‘Wag patayin ang masamang damo
Sa kabila ng mga kaso ng karahasang hindi nabigyang-pansin ng midya at tila ipinagkibit-balikat na lamang ng madla, napatunayan ng isang bidyo ng walang habas na pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio na hindi pa rin pala manhid ang mga Pilipino sa biyolensiya. Nagngalit ang mga tao at […]
SinoVac-o para pigilan ka?
Nakatatawang isiping sa isang suliraning malinaw na serbisyong medikal ang sagot, patuloy na ipinipilit ng administrasyong ito na pulitika ang solusyon. Mag-iisang taon na mula nang unang kumalat ang Coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ngunit magpahanggang ngayon, priyoridad pa rin ng administrasyong Duterte ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina kaysa kaligtasan ng sarili nitong mamamayan. […]
Hindi nakalilimot ang masang mulat
Hindi nga ikaw ang nagsimula, pero hinayaan mong mangyari ang alam mo nang hindi tama. Nakisangkot ka pa. Ngayon, wala nang makapagsasalba sa ‘yo mula sa katotohanang nagkasala ka—maliban na lang kung paborito ka niya. Tila may utang ang hari sa tuta niya, kaya kahit parusa ang nararapat, pasensya ang iginawad. Itinaas pa nga ang […]
Walang puwang para sa patuloy na nagbubulag-bulagan
Apat na taon na ang nakalipas mula noong maluklok sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte. Kasabay ng kaniyang pagkapanalo ang pag-usbong ng dibisyon sa pagitan ng bawat Pilipino. Nagkawatak-watak ang noong magkasanggang mamamayan na marahil dulot na rin ng naglipanang pekeng impormasyon, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya. Umusbong din ang samahan ng mga taga-suporta ng […]
Kapangyarihang walang lakas
Mistula batang nagpaparamdam lamang sa tuwing ninanais niya. Tila duwag na nagpapaliwanag sa tuwing hahanapin siya. Pagkabulaga, sabay iyak at sumbong sa mga kasamahang wala rin naming binatbat. Ganyan ang pangulo ng bansang mayaman sana kung hindi nababahiran ng pansariling interes ang politika. #NasaanAngPangulo ang bumungad sa social media noong mga nakalipas na linggo. Nakahihiyang […]