Hindi na muli, hindi kailanman
Patunay ng walang habas na panlalapastangan sa bayan at sa mga Pilipino ang pagtakbo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ni Sara Duterte-Carpio para sa Halalan 2022, at higit na kawalan ng respeto sa atin ang pagsasanib-puwersa ng dalawang kandidato. Parehas na anak ng mga mamamatay-tao, parehas na banta sa susunod na anim na taon […]
Imulat ang mata, huwag maging biktima
Nagsimula nang lumaganap sa iba’t ibang plataporma ng social media ang mga impormasyong pumapabor o tumutuligsa sa mga kumakandidato dahil sa papalapit na Halalan 2022. Kasabay nito, kapansin-pansin ang masidhing paglaganap ng mga impormasyong walang batayan at pawang kasinungalingan ang nilalaman, sa kabila ng paulit-ulit na panawagang mag-fact check at bumatay sa mapagkakatiwalaang mga sanggunian. […]
Huwag mong kalimutan ang mga aral ng nakaraan
Saksi ang kasaysayan sa kapangyarihang taglay ng sambayanang lumuklok at magpatalsik ng pangulo sa pamahalaan. Tumindig ang libo-libong Pilipino noong Pebrero 1986 upang mawaksi ang paglalapastangan ni dating diktador Ferdinand Marcos sa kaban ng bayan at karapatang-pantao ng mga Pilipino. Iniluklok sa puwesto si dating pangulong Maria Corazon Aquino at pinagbagong-bihis ang Konstitusyon bilang sagisag […]
Para saan, hanggang kailan, sinong gagampan?
“Hindi ka ba napapagod? Paulit-ulit na lang.” Hangga’t nananatiling sarado ang tanggapan ng mga taong dapat na tumutugon sa mga panawagan, uulit-ulitin ko ang pagkatok hanggang sa masira ang pintuan. Hindi tayo dapat marindi sa sigaw ng kabataan, sa pangangalampag ng iba’t ibang sektor ng bayan, dahil naniniwala akong hindi man tayo pagbuksan, makahihikayat naman […]
Liham para sa mga progresibong mamamahayag pangkampus
Maingay at madilim ang daan. Maraming paligoy-ligoy, maraming pasikot-sikot, at walang kasiguraduhan ang daang tatahakin at liwanag o kadilimang sasalubungin. Ngunit, sa pagtahak na ito, kaibigan, ika’y walang agam-agam na tumungo at nagpatuloy sapagkat naniniwala kang bahagi ito ng iyong buong pusong pagtanggap ng hamon—hamon tungo sa pagkamit ng kasanayan hindi lamang sa iyong sarili […]