Ngarag
Pagod na ako. Hindi dahil nag-ehersisyo ako kaninang umaga kundi dahil nagklase ako nang halos walong oras online. Zoom fatigue o burnout, ano man ang nais ninyong itawag dito, nakapanlulumong isipin na maraming katulad ko ang umasang magiging masaya ang buhay sa kolehiyo subalit tila naubusan na ng kagustuhang magpatuloy pa ngayon. Sa kabutihang palad, […]
Sabi ni Juan, “Mahina ulo mo, mag-titser ka na lang.”
Plus minus lang naman ang Accountancy eh. Kumuha ka nalang ng Architecture, drawing-drawing lang ‘yun. Bobo ka sa Math ‘di ba, mas bagay sa’yo PolSci. Mga kaisipan ni Juan na patuloy na bumabalot sa lipunang mapanghusga. Kaisipang dala ang kalbaryo sa bawat batang nangangarap makamit ang ambisyon sa buhay. Dahil sa ‘di matuwid na palagay […]
Huwad na katapatan sa bayan
Malaya, patas, ligtas, at tapat na halalan. Ito ang inaasahang maipamamalas ng independiyente at nagsasariling ahensya ng COMELEC sa tuwing sumasapit ang eleksyong magdidikta sa kinabukasan ng bansa. Gayunpaman, mahirap lumikha ng ganitong bisyon lalo na sa panahong nabubulid sila sa mga kontrobersiyang kumukwestyon sa kanilang integridad at katapatan sa taumbayan. Bago pa man magsimula […]
Sa atin magtatapos at magsisimula
Idinidikta ng iba’t ibang biolohikal na aspekto ang mga katangian at pisikal na kaanyuan na maaaring mamana ng isang indibidwal. Makikita ito sa hugis ng mukha, kulay ng mata, at maging sa uri ng dugo na dumadaloy sa ating mga sistema. Liban dito, namamana rin natin ang mga kuwento, karanasan, at paniniwala na ibinabahagi sa […]
Tapos na ang panahon ni Maria Clara
“Tara, SEX tayo.” Sa aking buhay kolehiyo, isa ito sa mga katagang narinig ko. Sa kontekstong ito, isa lamang itong paanyaya mula sa isang kaibigang nagyayayang kumain sa Sinangag Express na tinatawag ding SEX kapag pinaikli, isang restawran malapit sa Pamantasang De La Salle. Gayunpaman, hindi rin naman maipagkakaila na karaniwang paanyaya rin para sa […]