Walang puwang para sa patuloy na nagbubulag-bulagan
Apat na taon na ang nakalipas mula noong maluklok sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte. Kasabay ng kaniyang pagkapanalo ang pag-usbong ng dibisyon sa pagitan ng bawat Pilipino. Nagkawatak-watak ang noong magkasanggang mamamayan na marahil dulot na rin ng naglipanang pekeng impormasyon, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya. Umusbong din ang samahan ng mga taga-suporta ng […]
Kapangyarihang walang lakas
Mistula batang nagpaparamdam lamang sa tuwing ninanais niya. Tila duwag na nagpapaliwanag sa tuwing hahanapin siya. Pagkabulaga, sabay iyak at sumbong sa mga kasamahang wala rin naming binatbat. Ganyan ang pangulo ng bansang mayaman sana kung hindi nababahiran ng pansariling interes ang politika. #NasaanAngPangulo ang bumungad sa social media noong mga nakalipas na linggo. Nakahihiyang […]
Sa panahong gipit, saan kakapit?
Para sa ilang doktor na nasa Philhealth, nakahihigit ba ang halaga ng salapi kaysa sa integridad at sinumpaang tungkulin?
Pamatay na kagandahan
Mukhang hindi na just keep swimming ang kasabihan ng mga isda ngayon kundi just keep dying, para sa ikagaganda ng ipinagmamalaking look. Nagimbal ang maraming Pilipino nitong Setyembre nang simulan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Php400 milyong white sand project bilang bahagi ng pagpapanumbalik sa kagandahan ng Manila Bay. Bagamat naipasa […]
Araw ng kadiliman
Madalas na masabihang ulyanin ang isang taong madaling makalimot ng mahahalagang pangyayari at bagay sa kaniyang buhay. Sa katunayan, humihingi pa ng tulong sa mga gamot at masusustansyang pagkain ang ilang Pilipino upang mapigilan ang pagkakaroon ng malabong memorya. Tila imposible ang ideya ng paglimot sa mga bagay na nag-ukit ng malalim na sugat sa […]