Largang natakid: Green Shuttlers, naupos ang dilaab ng kaniya-kaniyang raketa sa panimulang pasiklaban
MALAKALBARYONG PAGLARGA tungo sa unang tagumpay ang nalasap ng DLSU Green Shuttlers kontra UP Fighting Maroons, 1-4, sa pagbubukas ng UAAP Season 85 Men’s Badminton Tournament. Matapos ang tatlong taong pagpreno ng mga laro sa torneo, napasakamay ng kalalakihan ng Taft Avenue ang kanilang unang talo sa Season 85 na ginanap sa Centro Atletico Badminton […]
Palasap ng upset loss: Lady Archers, iginapos ang mababangis na Growling Tigresses!
IPINALASAP ng DLSU Lady Archers ang tulis ng kanilang palaso sa UST Growling Tigresses, 67-60, sa kanilang ikalawang tapatan sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Oktubre 29 sa Smart Araneta Coliseum. Nagpakitang-gilas para sa Taft-based squad si Joehanna Arciga matapos makapagtala ng 14 na puntos, anim na board, limang assist, at tatlong steal upang […]
Green Spikers, waging asintahin ang pakpak ng Soaring Falcons!
BINALIBAG ng DLSU Green Spikers ang puwersa ng AdU Soaring Falcons sa loob ng tatlong set, 25-18, 25-16, 25-16, upang makamit ang kanilang ikalawang panalo sa V-League 2022 Collegiate Challenge Men’s Division, Oktubre 23 sa Paco Arena. Kagagaling man mula sa kaniyang nakamamanghang 27-point outing kontra AU, nagpakitang-gilas muli para sa DLSU si Noel Kampton […]
Lady Archers, itinudla ang bagwis ng Lady Falcons!
NAPASAKAMAY ng DLSU Lady Archers ang kanilang ikalimang panalo matapos padapain ang AdU Lady Falcons, 75-65, sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Oktubre 22 sa Ynares Center Antipolo. Pinangunahan ni Lee Sario ang kampanya ng Lady Archers nang makalikom ng umaatikabong 26 na puntos, 11 rebound, at tatlong steal. Dagdag pa rito, nakakuha pa […]
Green Archers, bigong galusan ang pakpak ng Soaring Falcons!
BIGONG MAKAUSAD ang DLSU Green Archers kontra AdU Soaring Falcons, 84-86, sa unang yugto ng UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Oktubre 22 sa Ynares Sports Antipolo. Umani ng puntos para sa Green Archers si Kevin Quiambao matapos tumipa ng 20 puntos, siyam na rebound, apat na assist, isang steal, at isang block. Kasangga naman […]