Sagwan ng alas: Mabusilak na karera ni Green Tanker Christian Sy, ibinida!
UMIIGPAW na legasiya ang patuloy na kinikintal ni Green Tanker Christian Sy sa mga sinasalihang internasyonal at lokal na torneo. Buhat nito, masigasig at matagumpay niyang binibitbit ang bandera ng Pilipinas at Pamantasang De La Salle (DLSU) tuwing lumalahok sa mga torneo sa kabila ng malalakas na katunggaling maaaring makasagupa sa swimming pool. Hindi lamang […]
Pagpapanday ng kamalayan: Inklusibong espasyo para sa mga atletang intersex, abot-kamay na nga ba?
“I am unique, I am special, I am Intersex.” LUBOS NA MINIMITHI ng mga indibidwal na kabilang sa komunidad ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, at iba pa (LGBTQIA+) na tuldukan ang kanilang mga kinahaharap na pagsubok sa lipunan. Buhat nito, patuloy na itinataguyod ng iba’t ibang organisasyon, tulad ng Intersex Philippines na […]
Gilas Pilipinas, bumaluktot sa Kiwis sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers
DUMAUSDOS ang kampanya ng Gilas Pilipinas kontra Tall Backs ng New Zealand, 63-88, sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, Pebrero 27, sa Smart Araneta Coliseum. Pinangunahan ng tambalang Thirdy Ravena at Dwight Ramos ang pakikipagbakbakan ng Gilas Pilipinas kontra Tall Blacks. Nakapagtala si Ravena ng 23 puntos upang paganahin ang opensa ng Pilipinas. Samantala, […]
Indak para sa banderang berde at puti: Pagbusisi sa birtuwal na pagsasanay ng DLSU Animo Squad
TANYAG ang De La Salle University (DLSU) Animo Squad sa kanilang kahanga-hangang talento sa cheerdancing na karaniwang natutunghayan sa entablado ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Kaakibat nito, hangad ng koponan na makapagpamalas ng nakamamanghang palabas para sa kanilang muling pagsalang sa pangkolehiyong torneo. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Emmanuel […]
Siklab na umaalab: Gilas Pilipinas, pinayuko ang India sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers
NAGPAKITANG-GILAS ang Gilas Pilipinas matapos patumbahin ang India, 88-64, sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, Pebrero 25, sa Smart Araneta Coliseum. Matatandaang umatras ang bansang South Korea sa FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos matamaan ng COVID-19 ang mga manlalaro ng kanilang koponan. Bunsod nito, nagkamit na ng isang panalo ang […]