Tapatan ng mga kampeon: Reyna ng PSL F2 Logistics, pinataob ang PVL defending champion Chery Tiggo Crossovers
NANAIG ang koponan ng F2 Logistics Cargo Movers matapos payukuin ang Chery Tiggo Crossovers sa loob ng straight sets, 25-16, 25-23, 25-22, sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, Marso 18, sa Paco Arena, Maynila. Nagsilbing pamatay ang alyansa ng dating DLSU Lady Spikers Aby Maraño at Kianna Dy na parehong nakapagtala ng 11 puntos. […]
Paglatak sa barikada: F2 Logistics, waging napasuko ang sandatahan ng Army Black Mamba sa PVL 2022 opener
NAMAYAGPAG ang F2 Logistics Cargo Movers matapos magyanig ng liksi at pudpurin ang depensa ng batikan na koponang Army Black Mamba Lady Troopers sa loob ng apat na set, 25-15, 25-18, 21-25, 25-22, sa muling pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, Marso 16, sa Paco Arena, Maynila. Naging tanglaw para sa Cargo Movers […]
Makulay na karera ng World’s No. 5: Kuwentong pag-usbong tungong tagumpay ni EJ Obiena, sinariwa
PAG-ARANGKADA bitbit ang kaniyang pole sabay ang pagbuwelo upang makamit ang tamang porma sa ere—isang pangkaraniwang imahe ng isang pole vaulting event na binigyang-diin ng kahanga-hangang pagpapakitang-gilas ni Ernest John “EJ” Obiena sa naturang larangan. Nabalot man ng kontrobersiya ang kaniyang paglahok sa kaliwa’t kanang kompetisyon, namutawi ang angking disiplina at kakayahan ng atleta na […]
#VADynasty: Umaatikabong karera ng koponang Valorant ng Viridis Arcus, inusisa
UMAARANGKADA, UMAALPAS, AT UMAATIKABO—ganito mailalarawan ang karera nina xavi8k, Acervus, Grossof, Vintage, Guelson, Ya0, at W1lly ng Viridis Arcus (VA) sa paglalaro ng Valorant para sa Pamantasang De La Salle (DLSU) sa iba’t ibang Esports competition. Pinatutunayan ng mga manlalaro ng koponang Valorant ng VA na kaya nilang mamayagpag sa mga sinasalihang torneo at paigtingin […]
Muling pagbabalik: Pagkilala ng UAAP Board sa masidhing determinasyon at pagpupursigi ng bawat estudyanteng atleta
NAG-ALAB ang damdamin ng mga tagahanga ng mga pangkolehiyong torneo sa bansa nang inanunsyo ni Emmanuel Calanog, presidente ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at direktor ng De La Salle University (DLSU) Office of Sports Development, ang muling pagbabalik ng mga laro sa naturang liga sa naganap na media briefing nitong Pebrero 25. […]