Kisap ng anino: Pagbibigay-pugay sa kumpas ng Viridis Arcus coaches patungong tagumpay
“Your job as a coach is not to perform well yourself; it’s to let the players perform well.” MISTULANG KAPA SA DILIM ang ginagampanang tungkulin ng mga natatanging tagapagsanay ng De La Salle University Viridis Arcus (VA) sapagkat kasabay nito ang tila roleta ng kapalaran ng laro sa bawat tipa ng taktika na nakasalalay sa […]
#AnimoLaSalle: DLSU Green Archers, tinanggalan ng bangis ang UE Red Warriors sa kanilang unang pagtutuos
IPINALASAP ng De La Salle University (DLSU) Green Archers ang pait ng unang talo ng University of East (UE) Red Warriors sa kanilang unang paghaharap, 71-66, sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 Men’s Basketball Tournament, Marso 26, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay. Bumida ang Taft mainstays Schonny Winston at […]
Inspirasyon ng dating kampeon: Pagsulyap sa umaalpas na karera ng DLSU Asian Baby Boys
NAMUMUKOD-TANGI AT NAMAMAYAGPAG—ganito mailalarawan ang karera ng mga estudyanteng manlalarong sina John Leomarc “Leomarc” Alonzo, William “Ego” Cronin, Jerome “Relevancez” Victoria, Kieron “Duck Man” Cronin, at Jermyn “Usagi” Moa ng De La Salle University (DLSU) Asian Baby Boys (ABB). Nakilala ang naturang koponan nang lumahok ito sa National Campus Open: League of Legends (NCO: LoL). […]
Pagsusumikap para sa muling pagkaripas: Pagkilala sa danas ng DLSU Tracksters sa birtuwal na pagsasanay
NANANATILING MABAKO ang tinatahak na landas ng De La Salle University (DLSU) Tracksters sa kanilang pag-eensayo bunsod ng mga restriksyon ng pandemya. Buhat nito, nagsasanay na lamang ang mga estudyanteng atleta sa birtuwal na espasyo, habang hinihintay ang panahong makasasabak muli sa entablado ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Kaakibat nito, masigasig na […]
Paglarga sa ikalawang puwesto ng Pool A: Choco Mucho, pinayuko ang F2 Logistics sa PVL 2022
NADAGIT ng Choco Mucho Flying Titans ang twice-to-beat advantage matapos paamuin ang F2 Logistics Cargo Movers sa loob ng apat na set, 21-25, 28-26, 25-20, 25-22 sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, Marso 24, sa Paco Arena, Maynila. Umarangkada ang Flying Titans nang paganahin ng playmaker Deanna Wong ang kaniyang hitters matapos kumana ng […]