Banggaan ng top teams: Green Spikers, naupos ang lakas sa powerhouse Bulldogs
SUMUBSOB ang DLSU Green Spikers sa mabalasik na puwersa ng NU Bulldogs sa loob ng tatlong set, 20-25, 15-25, 18-25, sa kanilang ikalimang laban sa V-League 2022 Collegiate Challenge Men’s Division, Nobyembre 9 sa Paco Arena. Umarangkada para sa Taft-based squad si Noel Kampton matapos umukit ng siyam na puntos mula sa pitong atake, isang […]
Green Shuttlers, bigo pa ring makasungkit ng panalo; Lady Shuttlers, nilatay ng UP Fighting Maroons
MASALIMUOT na laro ang natunghayan sa kampanya ng parehong koponan ng DLSU Shuttlers sa UAAP Season 85 Badminton Tournament, Nobyembre 6 sa Centro Atletico Badminton Center, Quezon City. Yumuko ang DLSU Green Shuttlers sa six-time defending champions NU Bulldogs, 1-4. Nablangko naman ang talaan ng DLSU Lady Shuttlers kontra UP Fighting Maroons, 0-5. Unang tumiklop […]
Lady Archers, itinudla ang pakpak ng Lady Eagles!
NAKALUSOT sa butas ng karayom ang DLSU Lady Archers kontra ADMU Blue Eagles, 56-55, sa ikalawang yugto ng UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Nobyembre 6 sa UST Quadricentennial Pavilion. Nagningning para sa koponang Green at White si Lee Sario nang makapagtala ng 16 na puntos, 11 rebound, at tatlong steal. Kaagapay ni Sario sa […]
Sagupaan ng magkaribal: Lady Spikers, waging makaabante sa semifinals ng Shakey’s Super League!
PINAHINTO ng DLSU Lady Spikers ang paglipad ng ADMU Blue Eagles matapos mamayagpag sa loob ng tatlong set, 25-17, 25-23, 25-10, sa kanilang pagtatapat sa Shakey’s Super League, Nobyembre 6 sa Rizal Memorial Coliseum. Nanguna sa talaan ang super rookie na si Angel Canino matapos magsalaksak ng 19 na puntos. Naging kasangga naman niya sa […]
Green Spikers, napurnada sa dikdikang salpukan kontra Growling Tigers
NAPURUHAN ang DLSU Green Spikers sa matalas na pangil ng UST Growling Tigers, 19-25, 25-22, 15-25, 23-25, sa kanilang ikaapat na laban sa V-League 2022 Collegiate Challenge Men’s Division, Nobyembre 6 sa Paco Arena. Bagamat nagtamo ng injury sa kanilang laro kontra CSB, nanguna pa rin para sa Taft-based squad si Noel Kampton matapos tumikada […]