Green Spikers, pinalupaypay ang matinis na pagsagitgit ng Blue Eagles

Green Spikers, pinalupaypay ang matinis na pagsagitgit ng Blue Eagles

NIYUPI ng De La Salle University (DLSU) Green Spikers ang bagwis ng karibal na Ateneo de Manila University Blue Eagles, 20–25, 25–23, 25–21, 25–22, sa kanilang unang paghaharap sa University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Marso 12. Pinangunahan ni veteran Noel Kampton ang pagdaluhong […]
DLSU Lady Batters, nalula sa paglarga ng Adamson Softball Team

DLSU Lady Batters, nalula sa paglarga ng Adamson Softball Team

NAGAPI ang De La Salle University (DLSU) Lady Batters buhat ng matayog na paglipad ng defending champions Adamson University Softball Varsity Team, 0–7, sa pagtatapos ng unang yugto ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 Softball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium, Marso 11. Bagaman maagang kinaharap ang hamong makakumpas ng puntos, […]
Green Tennisters, bigong makapiglas kontra UST Male Tennisters

Green Tennisters, bigong makapiglas kontra UST Male Tennisters

SUMADSAD ang puwersa ng De La Salle University (DLSU) Green Tennisters kontra sa hanay ng University of Santo Tomas (UST) Male Tennisters, 0–5, sa University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Tennis Tournament sa Rizal Memorial Tennis Center, Marso 9.  Kinapos na kapalaran Naging dikit ang simula ng laban sa pagitan nina Green […]
Lady Spikers, ibinandila ang berdeng watawat kontra Lady Warriors

Lady Spikers, ibinandila ang berdeng watawat kontra Lady Warriors

PINATAOB ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang hukbo ng University of the East (UE) Lady Warriors, 25–12, 23–25, 25–14, 25–17, sa kanilang unang bakbakan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 Women’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Marso 8.  Nanguna para sa puwersa ng Taft si veteran […]
Green Spikers, sinindak ang kampo ng Red Warriors

Green Spikers, sinindak ang kampo ng Red Warriors

INANTALA ng De La Salle University (DLSU) Green Spikers ang pagsalakay ng University of the East (UE) Red Warriors, 26–24, 25–13, 25–13, sa kanilang unang paghaharap sa University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Marso 8. Pinangunahan ni opposite hitter Michael Fortuna ang opensa ng […]