Pambato ng Taft: Pagtanaw sa karera at motibasyon ng DLSU Green Spikers
MALIKSI at matatag—ito ang mga katangiang ipinamalas ng tambalang Noel Kampton at Vince Maglinao nang sumalang sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 Men’s Beach Volleyball Tournament. Sa tinagal-tagal na burado ang Green Spikers sa final four ng naturang torneo, hindi nagpatinag at taas-noong hinarap ng mga atleta ang mga katunggali matapos […]
Husay ng kababaihan: Sumisibol na kampanya ng DLSU Lady Archers sa mundo ng pampalakasan
MADALAS na naiuugnay sa kalalakihan ang larong basketball bunsod ng perspektiba ng lipunan na dapat matipuno at malaki ang pangangatawan ng isang basketbolista. Subalit, pinatutunayan ng mga babaeng atleta na kaya rin nilang magpakitang-gilas sa larong ito. Kabilang sa mga tanyag na koponan sa larangan ng women’s basketball ang De La Salle University (DLSU) Lady […]
Makasaysayang pasiklaban: Kagila-gilalas na karera ng Viridis Arcus sa AllG Season 1, sinariwa
HALOS DALAWANG TAON na ang nakalipas nang buksan ang kauna-unahang esports scholarship program sa Pilipinas para sa mga estudyanteng manlalarong naghahangad na umusbong ang kani-kanilang karera sa naturang larangan. Bilang pagpapahalaga sa sikap at pangarap ng mga kalahok, pinangunahan ng AcadArena at Globe ang programang Globe-AcadArena Merit Esports Scholarship (GAMES) Fund. Layunin nitong bigyan ng […]
Ginintuang larga: Pagbuklat sa arangkada ng kampanya ni Eyon Usi sa Mobile Legends: Bang Bang
MATAGUMPAY, MABULUSOK, AT MAKASAYSAYAN—ito ang mga katagang naglalarawan sa karera ni Russel Aaron “Eyon” Usi sa Southeast Asian (SEA) Games 2022 para sa larong Mobile Legends: Bang bang (MLBB). Bilang sixth-man mid laner sa SEA Games 2022, tumayong kahalili ni Salic “Hadji” Imam ang punla na si Eyon upang makipagtulungang palakasin ang puwersa ng galaw […]
Samyo ng trono: EcoOil-DLSU Green Archers, hinirang na kampeon sa PBA D-League!
SOLIDONG SINELYUHAN ng EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers ang panalo kontra Marinerong Pilipino Skippers, 91-78, sa PBA D-League Aspirants’ Cup 2022 finals, Agosto 31, sa Smart Araneta Coliseum. Tangan ang perpektong tangka sa free throws at 41% efficiency sa loob ng arko, nagsilbing tanglaw si Schonny Winston sa kalalakihan ng DLSU laban sa […]