Kargadong asinta: Sikap at kompiyansa ng DLSU Poomsae Team sa paglikom ng parangal, binusisi

Kargadong asinta: Sikap at kompiyansa ng DLSU Poomsae Team sa paglikom ng parangal, binusisi

MATAGUMPAY na karera ang ipinamalas ng De La Salle University Taekwondo (DELTA) Poomsae team sa nakalipas na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84. Bagamat hindi nakamit ng koponan ang inaasam na three-straight championship win sa torneo, lumapag naman sila sa podium finish matapos makamit ang ikatlong puwesto.  Sa panayam ng Ang Pahayagang […]
Sinag ng talento at talino: Pagsilip sa kumikinang na karera ng DLSU Lady Woodpushers

Sinag ng talento at talino: Pagsilip sa kumikinang na karera ng DLSU Lady Woodpushers

MATALAS na isip at maagap na pagsisikap—ganito mailalarawan ang umaatikabong karera at isinasagawang preparasyon ng DLSU Lady Woodpushers tuwing sumasabak sa entablado ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Bunga ng kanilang talino at puspusang pag-eensayo, hinirang na first runner-up ang Lady Woodpushers sa finals ng UAAP Season 84 tangan ang 21 puntos.  Sa […]
PBA D-League: DLSU Green Archers, nakawala sa hagupit ng St. Clare!

PBA D-League: DLSU Green Archers, nakawala sa hagupit ng St. Clare!

NALUSUTAN ng EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers ang angas ng Adalem Construction-St. Clare College of Caloocan, 72-69, sa PBA D-League Aspirants’ Cup 2022, Hulyo 27, sa Smart Araneta Coliseum. Humarurot si Gilas forward Kevin Quiambao upang pangunahan ang kampanya ng Green Archers matapos tumudla ng 18 puntos at walong rebound. Kaagapay naman niyang […]
PBA D-League: DLSU Green Archers, natakasan ang sandatahan ng Letran Knights!

PBA D-League: DLSU Green Archers, natakasan ang sandatahan ng Letran Knights!

Gian Carlo RamonesJul 26, 2022
INIWANG PIRA-PIRASO ng EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers ang kalasag ng Wangs Basketball @26-Colegio de San Juan de Letran Knights, 94-87, sa PBA D-League Aspirants’ Cup 2022, Hulyo 26, sa Ynares Sports Arena, Pasig City. Nagsilbing tanglaw sa Green Archers ang Gilas Pilipinas 2022 forward Kevin Quiambao sa kaniyang debut game sa torneo. […]
Pagbulusok ng palaso: Viridis Arcus Valorant team, hinirang na kampeon sa Alliance Games Season 1!

Pagbulusok ng palaso: Viridis Arcus Valorant team, hinirang na kampeon sa Alliance Games Season 1!

MASILAKBONG NASUNGKIT ng De La Salle University (DLSU) Viridis Arcus (VA) Valorant team ang tagumpay sa kampeonato matapos pabagsakin ang archrivals Ateneo de Manila University (ADMU) Loyola Gaming (LG) Terra, 3-1, sa Grand Finals ng Alliance Games (AIIG) 2022 Season 1, Hulyo 24, sa SMX Convention Center, Pasay City. Sa pagbubukas ng unang laban ng […]