Lady Spikers, inararo ang Lady Altas sa Shakey’s Super League!
WINALIS ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD) Lady Altas matapos mamayagpag sa loob ng straight set, 25-11, 25-17, 25-12, sa unang araw ng Shakey’s Super League National Invitationals, Hulyo 29 sa FilOil EcoOil Centre. Kinilala bilang Player of the Game si Shevana Laput nang magsumite […]
Tagisan ng dalawang mundo: Pagsabak ni Green Archer Ben Phillips sa larangan ng volleyball, sinilip!
TUMATAK ang makisig na presensiya ng Taft big man at sentro na si Benjamin Phillips matapos ang kaniyang produktibong pagpapasiklab sa nakaraang dalawang season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s Basketball Tournament. Taglay ang dugong atleta, masilakbong tinahak ni Phillips ang mundo ng volleyball nang opisyal siyang mapasama sa lineup ng De […]
Pamumukadkad ng karera ng Lady at Green Shuttlers, ibinida!
MASIDHING determinasyon ang ipinamalas ng Lady at Green Shuttlers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85. Gayunpaman, hindi ito naging sapat upang makatungtong sa tugatog ng tagumpay ang dalawang koponan matapos maiuwi ang panalo-kartadang 1-4 ng Green Shuttlers habang lumapag naman sa ikaapat na puwesto ang Lady Shuttlers. Bagamat nabigo, samu’t saring […]
Panahon ng pag-ahon: Pagsisid ni Xiandi Chua at ng Lady Tankers tungo sa ginto
SOLIDONG KUMPIYANSA AT DETERMINASYON—ito ang mga bitbit ni Xiandi Chua at ng Lady Tankers sa kanilang paglangoy sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 Women’s Swimming Tournament. Buhat ng masidhing pagnanasang tuldukan ang pagkalunod ng koponan sa loob ng 19 na taon sa naturang torneo, buong-puso nilang ipinamalas ang kanilang galing at […]
Maniobra ng sandata: Pagpapahusay sa kasanayan at estratehiya ng DLSU Fencing teams, siniyasat!
MAIGTING na pagpapanday sa mapurol na porma ang inatupag ng Lady at Green Fencers bilang bahagi ng naging preparasyon sa nilahukang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 Fencing Tournament. Ibinida ng parehong koponan ang pagtatrabaho ng tabak, tutok ng espada, at teknikal na paggalaw ng mga paa upang mabura ang kalawang sa […]