Pag-alab ng Animo Pride: Green Archers, sinipat ang lipad ng Blue Eagles!

Pag-alab ng Animo Pride: Green Archers, sinipat ang lipad ng Blue Eagles!

PINADANAK ng DLSU Green Archers ang dugo ng ADMU Blue Eagles, 83-78, at sinungkit ang kanilang ikalawang panalo sa UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Oktubre 9 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City. Lumagablab ang mga galamay ni Schonny Winston para sa Green Archers matapos gumawa ng 25 puntos, limang rebound, anim na assist, at […]
Lady Spikers, pinaluhod ang sandatahan ng Lady Knights sa Shakey’s Super League!

Lady Spikers, pinaluhod ang sandatahan ng Lady Knights sa Shakey’s Super League!

BINASAG ng DLSU Lady Spikers ang kalasag ng CSJL Lady Knights matapos ang dominanteng pagkapanalo sa loob ng tatlong set, 25-14, 25-9, 25-18, sa Shakey’s Super League, Oktubre 9 sa Rizal Memorial Coliseum. Pinatunayan ni Julia Coronel na maaasahan din siya pagdating sa opensa matapos maglaro bilang spiker at makapagtala ng limang atake, anim na […]
Tapatan ng magkaribal: Lady Archers, waging panain ang bagwis ng Blue Eagles!

Tapatan ng magkaribal: Lady Archers, waging panain ang bagwis ng Blue Eagles!

NAKATAKAS ang DLSU Lady Archers sa hagupit ng ADMU Blue Eagles, 75-67, sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Oktubre 9 sa Smart Araneta Coliseum. Bumandera para sa Lady Archers si Lee Sario matapos tumikada ng 19 na puntos, 11 rebound, tatlong assist, at isang steal. Napasakamay naman ni Sario ang sapat na suporta sa […]
Lady Spikers, inapula ang pag-alab ng Lady Blazers sa Shakey’s Super League!

Lady Spikers, inapula ang pag-alab ng Lady Blazers sa Shakey’s Super League!

SINELYUHAN ng DLSU Lady Spikers ang kanilang ikalawang panalo kontra NCAA defending champion CSB Lady Blazers, 22-25, 25-22, 25-22, 25-19, sa Shakey’s Super League, Oktubre 8 sa Rizal Memorial Coliseum.  Nagpakitang-gilas ang super rookie na si Angel Canino matapos makapagtala ng pitong attack, dalawang block, at tatlong service ace. Umalalay rin sa pagpuntos si Jolina […]
DLSU Green Archers, nilatay ang mababangis na UST Growling Tigers!

DLSU Green Archers, nilatay ang mababangis na UST Growling Tigers!

NAKAMIT ng DLSU Green Archers ang kanilang unang panalo kontra UST Growling Tigers, 83-63, sa UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Oktubre 5 sa Philsports Arena, Pasig City. Nagpakitang-gilas para sa Taft-based squad si Schonny Winston nang pumundar ng 19 na puntos, limang rebound, tatlong assist, at dalawang steal. Katuwang naman ni Winston sa pagpuntos […]