Siklab ng determinasyon: Pagsilip sa makinang na karera ng DLSU Green Batters
MASUGID na pagsasanay ang isinagawa ng De La Salle University Green Batters para sa muling pakikipagsapalaran sa entablado ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 Baseball Tournament. Bitbit ang kanilang dedikasyon, patuloy ang masigasig na paghahanda at pagpapanday ng kanilang dekalibreng galing upang matiyak ang pagdepensa sa kanilang titulo bilang kampeon. Matapos […]
Pagtakbo tungo sa tagumpay: Pagsilip sa maalab na karera ni Lady Trackster Bernalyn Bejoy
TAPANG AT TIKAS ang ipinamalas ni De La Salle University (DLSU) Lady Trackster Bernalyn Bejoy matapos magningning sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 Athletics Championships at 32nd Southeast Asian (SEA) Games. Buhat ng kaniyang matinding pagsusumikap, matagumpay na naiuwi ni Bejoy ang apat na gintong medalya sa UAAP Season 85. Hindi […]
Katas ng solidong panimula: Pagbabalik ng Green Spikers sa Final Four, sinilip!
LUMIYAB sa hanay ng De La Salle University Green Spikers ang pag-asang makabalik sa rurok ng tagumpay matapos bumuwelta sa Final Four ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 Men’s Volleyball Tournament. Bagamat hindi nakamit ang podium finish, nananatiling makasaysayan ang naiukit na karangalan ng Taft-based squad matapos kilalanin bilang isa sa […]
Green Archers, bigong makaalpas sa tuka ng Blue Eagles
YUMUKOD ang De La Salle University (DLSU) Green Archers kontra defending champions Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles, 72-77, sa kanilang unang tapatan sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Men’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Oktubre 4. Nanguna para sa Green Archers si Kevin Quiambao matapos pumoste ng […]
Lady Archers, nabuwal sa kapit ng Blue Eagles
NAAPULA ang ningas ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers sa mapanlinlang na bagwis ng Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles, 87-80, sa kanilang unang sagupaan sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s Basketball Tournament sa Adamson Gym, Oktubre 4. Nagpasiklab si Lady Archer Luisa San Juan ng 29 na […]