#AllForDLSyoU: Janet Jackson-inspired DLSU Animo Squad, nagningning sa pag-indak sa UAAP S85 Cheerdance Competition!
MASILAKBONG UMINDAK ang DLSU Animo Squad matapos magpamalas ng malinis at nakaaantig na pagtatanghal sa entablado ng UAAP Season 85 Cheerdance Competition kahapon, Disyembre 10 sa SM MOA Arena, Pasay City. Humulma namang muli ng kasaysayan ang mababagsik na NU Pep Squad nang mapasakamay ang kanilang ikapitong titulo bilang kampeon sa huling siyam na nilahukang UAAP […]
Green Booters, waging pigilan ang pag-araro ng Tamaraws sa Ang Liga!
PAPASOK sa finals ang DLSU Green Booters B matapos apulahin ang umaalab na koponan ng FEU Tamaraws sa kanilang homecourt, 2-0, sa semifinals ng Ang Liga kahapon, Disyembre 8 sa FEU Diliman Football Field. Bilis at liksi ang agad na ibinungad ng Morayta-based squad sa pagsisimula ng bakbakan. Nakamamanghang ball movement at fast plays ang […]
Gantihan sa trono: Lady Archers, pumalyang paamuin ang sibasib ng sikmat ng Lady Bulldogs
MAPUPUROL NA PANA ang pinaulan ng DLSU Lady Archers sa kampo ng NU Lady Bulldogs, 61-93, matapos nilang pumalya sa Game 1 ng UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament Best-of-Three Finals kahapon, Disyembre 7 sa Smart Araneta Coliseum. Bagamat bigong mapasakamay ang panalo, kapansin-pansing umangat sa pagpuntos ang tatlong scoring machine ng Lady Archers. Hindi […]
Green at Lady Tracksters, nagpasiklab sa huling araw ng UAAP Season 85 Athletics Championship!
NAGPASIKAT ang koponan ng DLSU Green at Lady Tracksters matapos makapag-uwi ng pitong ginto at siyam na pilak na medalya sa kahabaan ng UAAP Season 85 Athletics Championships, Disyembre 4 sa Philsports Arena, Pasig City. Itinanghal na first runner-up ang Lady Tracksters matapos makapagtala ng 288 puntos habang lumapag sa ikapitong puwesto ang Green Tracksters […]
Sagupaan ng magkapatid: Green Booters Team B, waging mapabagsak ang Green Booters A
IPINALASAP ng DLSU B ang talas ng kanilang palaso matapos tibagin ang DLSU A, 4-0, sa quarterfinals ng Ang Liga kahapon, Disyembre 4 sa FEU Diliman Football Field. Maagang namukadkad sa bakbakan ang puwersa ng DLSU B matapos ipamalas ang kanilang malapader na depensa. Buhat nito, nahirapang makaporma ang DLSU A na nagresulta upang agarang […]