Bendisyon ng pagsisikap: Sumisibol na karera ni Green Booter Enrico Mangaoang, ibinida!

Bendisyon ng pagsisikap: Sumisibol na karera ni Green Booter Enrico Mangaoang, ibinida!

BAGUHAN man ang tunog ng pangalan sa entablado, tila batikan naman kung ituring ang kalidad ng laruan ni Green Booter Enrico Mangaoang sa larangan ng football. Patunay rito ang pagsungkit ni Mangaoang ng bigating parangal bilang most valuable player award sa Pilipinas Cup Under-16 noong 2018. Bitbit ang lumalagong kredensyal bilang maaasahang goalkeeper, patuloy na […]
Pamamayagpag ng banderang bahaghari: Pagbida sa sikap at tagumpay ng mga atletang LGBTQIA+

Pamamayagpag ng banderang bahaghari: Pagbida sa sikap at tagumpay ng mga atletang LGBTQIA+

MARILAG AT MATATAG kung maituturing ang karera ng mga atletang bahagi ng komunidad ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual (LGBTQIA+) sa hardcourt. Isa na rito ang star-studded libero ng De La Salle University (DLSU) Green Spiker na si Menard Guerrero. Hindi maikakaila ang tindi ng kaniyang laro pagdating sa larangan ng volleyball, […]
Pagbabalik ng mga face-to-face na klase sa PE, inusisa

Pagbabalik ng mga face-to-face na klase sa PE, inusisa

GALAK AT PAGOD—dalawang salitang naglalarawan sa pananaw ng mga estudyanteng Lasalyano sa pagbabalik face-to-face ng mga klase sa pisikal na edukasyon (PE). Maaalalang noong kasagsagan ng pandemya, napilitang ilipat online ang lahat ng klase sa mga kursong Physical Fitness and Wellness (GEFTWEL), Physical Fitness and Wellness in Dance (GEDANCE), Physical Fitness and Wellness in Individual […]
Pagtahak sa bagong landas: Makulay na karera ni Lady Tanker Raven Faith Alcoseba, sinilip

Pagtahak sa bagong landas: Makulay na karera ni Lady Tanker Raven Faith Alcoseba, sinilip

SUMIBOL ang karera ni Raven Faith Alcoseba nang pasukin niya ang larangan ng paglangoy. Sa edad na 13, nakapag-uwi ang naturang manlalangoy ng apat na gintong medalya mula sa torneong Batang Pinoy sa Cebu. Nagpatuloy pang umusbong ang karera ni Alcoseba bilang manlalangoy pagdako ng kolehiyo matapos mapabilang sa koponang De La Salle University (DLSU) […]
Green at Lady Judokas, umarangkada sa huling araw ng UAAP Season 85 Judo Championships!

Green at Lady Judokas, umarangkada sa huling araw ng UAAP Season 85 Judo Championships!

HINARAP nang buong tapang ng DLSU Green at Lady Judokas ang mga katunggali sa UAAP Season 85 Judo Championships kahapon, Disyembre 18 sa Ateneo de Manila University Blue Eagle Gym.  Naiuwi ng Green Judokas ang ikatlong puwesto sa torneo matapos magtala ng kabuuang 15 puntos. Nagpasiklab din si Green Judoka Eivan Jim Donaire matapos makamit […]