Bentahe ng mga alas: Green at Lady Tankers, muling umabante tungo sa kampeonato!

Bentahe ng mga alas: Green at Lady Tankers, muling umabante tungo sa kampeonato!

Jyllan HernandezNov 27, 2022
HUMATAW muli ang Green at Lady Tankers sa paghakot ng mga parangal sa ikatlong araw ng UAAP Season 85 Swimming Championships, Nobyembre 26 sa Rizal Memorial Sports Complex Teofilo Yldefonso Swimming Pool. Mabusilak na karera Agad na lumitaw ang Green Tankers sa kanilang bilis sa paglangoy sa ikatlong araw ng torneo. Nakamit ni Green Tanker […]
Lady Archers, sinelyuhan ang kanilang twice-to-beat advantage kontra UE Lady Warriors!

Lady Archers, sinelyuhan ang kanilang twice-to-beat advantage kontra UE Lady Warriors!

Jyllan HernandezNov 27, 2022
NAKAMIT ng DLSU Lady Archers ang twice-to-beat advantage sa Final Four matapos pabagsakin ang UE Lady Warriors, 66-41, sa kanilang ikalawang tapatan sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Nobyembre 26 sa UST Quadricentennial Pavilion. Bumida para sa Lady Archers si Lee Sario matapos humulma ng 18 puntos, limang rebound at isang assist. Naging kasangga […]
Liyab ng hampas: Lady Spikers, waging pataubin ang Fighting Maroons!

Liyab ng hampas: Lady Spikers, waging pataubin ang Fighting Maroons!

UMARANGKADA na ang DLSU Lady Spikers tungong final four matapos daigin ang UP Fighting Maroons, 22-20, 17-21,15-13, sa UAAP Season 85 Women’s Beach Volleyball Tournament, Nobyembre 26 sa Sands SM By the Bay. Bahagyang nahirapan sa depensa ang Lady Spikers duo na sina Jolina Dela Cruz at Justine Jazareno sa mga atake nina Lady Maroons […]
Green Archers, bigong makaalpas sa puwersa ng Red Warriors

Green Archers, bigong makaalpas sa puwersa ng Red Warriors

YUMUKO ang DLSU Green Archers kontra UE Red Warriors, 72-80, sa kanilang ikalawang paghaharap sa UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Nobyembre 26 sa Smart Araneta Coliseum. Nagpakitang-gilas para sa Green Archers si Mark Nonoy tangan ang kaniyang 14 na puntos, anim na rebound, apat na assist, at tatlong steal. Umalalay naman sa kaniya sina […]
Green at Lady Tankers, muling nagpasiklab sa ikalawang araw ng UAAP Season 85 swimming championships!

Green at Lady Tankers, muling nagpasiklab sa ikalawang araw ng UAAP Season 85 swimming championships!

NAMAYAGPAG ang DLSU Green at Lady Tankers matapos ipagpatuloy ang paghakot ng mga parangal sa ikalawang araw ng UAAP Season 85 Swimming Championships, Nobyembre 25 sa Rizal Memorial Sports Complex Teofilo Yldefonso Swimming Pool.  Langoy ng tagumpay Ipinamalas muli ng Green Tankers ang kanilang bilis sa paglangoy sa ikalawang araw ng torneo. Binasag nina Green […]