Gantihan sa trono: Lady Archers, pumalyang paamuin ang sibasib ng sikmat ng Lady Bulldogs
MAPUPUROL NA PANA ang pinaulan ng DLSU Lady Archers sa kampo ng NU Lady Bulldogs, 61-93, matapos nilang pumalya sa Game 1 ng UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament Best-of-Three Finals kahapon, Disyembre 7 sa Smart Araneta Coliseum. Bagamat bigong mapasakamay ang panalo, kapansin-pansing umangat sa pagpuntos ang tatlong scoring machine ng Lady Archers. Hindi […]
Green at Lady Tracksters, nagpasiklab sa huling araw ng UAAP Season 85 Athletics Championship!
NAGPASIKAT ang koponan ng DLSU Green at Lady Tracksters matapos makapag-uwi ng pitong ginto at siyam na pilak na medalya sa kahabaan ng UAAP Season 85 Athletics Championships, Disyembre 4 sa Philsports Arena, Pasig City. Itinanghal na first runner-up ang Lady Tracksters matapos makapagtala ng 288 puntos habang lumapag sa ikapitong puwesto ang Green Tracksters […]
Sagupaan ng magkapatid: Green Booters Team B, waging mapabagsak ang Green Booters A
IPINALASAP ng DLSU B ang talas ng kanilang palaso matapos tibagin ang DLSU A, 4-0, sa quarterfinals ng Ang Liga kahapon, Disyembre 4 sa FEU Diliman Football Field. Maagang namukadkad sa bakbakan ang puwersa ng DLSU B matapos ipamalas ang kanilang malapader na depensa. Buhat nito, nahirapang makaporma ang DLSU A na nagresulta upang agarang […]
Green Archers, bigong makapasok sa final four ng UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament
SUMADSAD ang DLSU Green Archers kontra AdU Soaring Falcons, 76-80, sa kanilang do-or-die match sa battle for fourth ng UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Disyembre 4 sa SM MOA Arena. Binitbit ni Evan Nelle ang bandera ng Green Archers matapos magtala ng 20 puntos, apat na rebound, at pitong assist. Umalalay rin sa kaniya […]
Lady Archers, pinutulan ng pangil ang mababagsik na Growling Tigresses!
PAPASOK sa finals ang DLSU Lady Archers matapos patumbahin ang UST Growling Tigresses, 74-69, sa do-or-die semifinals ng UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Disyembre 4 sa SM MOA Arena. Umarangkada para sa Lady Archers si Bettina Binaohan nang magtala ng 17 puntos, 10 rebound, dalawang assist, dalawang turnover, dalawang steal, at isang block. Hindi […]