Green Spikers, tinugis ang kublihan ng Soaring Falcons
PINAPUROL ng De La Salle University (DLSU) Green Spikers ang tuka ng Adamson University Soaring Falcons, 25–19, 25–23, 25–19, sa unang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Volleyball Tournament sa FilOil EcoOil Centre, Pebrero 22. Itinanghal na Player of the Game si DLSU veteran Noel Kampton matapos kumamada ng 24 […]
Lady at Green Tennisters, nanlumo sa unang araw ng UAAP Tennis
NASINDAK ang De La Salle University (DLSU) Green at Lady Tennisters sa angil ng University of Santo Tomas (UST) Female Tennisters, 1–4, at tindig ng University of the East (UE) Men’s Tennis Team, 1–4, sa pagsisimula ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 Collegiate Tennis Tournament sa Rizal Memorial Tennis Center, Pebrero […]
Isang taong paghihintay at dalawang taong pagkabawas sa paglalaro, itinakda ng UAAP residency rule
IPINATAW ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa mga estudyanteng atletang lumipat sa miyembrong pamantasan ng organisasyon ang bagong patakarang nag-aalis ng dalawang taon sa kanilang abilidad na maglaro sa torneo. Bukod pa rito ang isang taong paghihintay ng mga apektadong manlalaro bago tumikada sa entablado ng UAAP, alinsunod sa dating residency rule. […]
DLSU Esports Team, iwinagayway ang Lasalyanong bandila sa birtuwal na palakasan ng UAAP
MATULING PAGPITIK ng kamay sa gitna ng maaksiyong salpukan taglay ang mithiing pabagsakin ang kabilang hanay. Ibinalandra ng De La Salle University (DLSU) Esports Team ang kagila-gilalas na eksenang ito sa pinakaunang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Esports Tournament na bahagi ng pagsalubong sa panibagong kabanata ng torneo ngayong Season 87. Sa pag-arangkada […]
(C)anino isusugal?: Pagbalasa sa nagniningning na alas ng Lady Spikers
ITATAYA ang lahat para sa namumukod-tanging pangalan. Gaya ng dalawang mukha ng baraha, kaakibat ng katanyagan ni De La Salle University Lady Spiker Angel Canino ang mga hamon at pambabatikos na tumutupok sa kaniyang naglalagablab na karera. Sa pag-asang tumodas pabalik sa tuktok ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), nagsisilbing kanlungan ng Berde […]