Green Archers, pinakupas ang nagniningas na diwa ng Fighting Maroons
SINAKMAL ng De La Salle University (DLSU) Green Archers ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 88-79, sa kanilang ikalawang pagtutuos sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 86 Men’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Nobyembre 5. Hinirang na Player of the Game si UAAP Season 86 Most Valuable […]
Lady Archers, pinaputla ang pithaya ng Lady Tamaraws
IGINAPOS ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers ang mababangis na Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, 73-70, sa kanilang ikalawang pagtutuos sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Nobyembre 4. Hinirang na Player of the Game si Ann Mendoza matapos tumikada ng […]
Green Spikers, ibinilanggo ang Dolphins sa Spikers’ Turf
PINALUBOG ng EcoOil-La Salle Green Spikers ang Philippine Christian University (PCU) – SASKIN Dasmariñas Dolphins sa loob ng straight sets, 25-18, 25-11, 25-22, sa kanilang pagtutuos sa Pool B ng Spikers’ Turf Invitational Conference 2023 sa Paco Arena, Oktubre 29. Pinangunahan ni opposite hitter Rui Ventura ang dominasyon ng kalalakihan ng Taft tangan ang 13 […]
Mailap na tagumpay: Lady Archers, silat sa Growling Tigresses
NAGMISTULANG LUMPO ang pagtatangka ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers na paamuhin ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigresses, 67-93, sa kanilang ikalawang engkwentro sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Oktubre 29. Yumukod man sa bakbakan, magiting na nagtapos sa panig […]
Green Archers, nadakip ang mabalasik na Bulldogs
BUMUWELTA NG PANALO ang De La Salle University (DLSU) Green Archers kontra sa mababagsik na National University (NU) Bulldogs, 88-78, sa kanilang ikalawang pagtutuos sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 86 Men’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Oktubre 28. Umukit ng kasaysayan si Player of the Game Kevin Quiambao […]