Green Spikers, tinimbog ang puwersa ng Golden Spikers
NILINGKIS ng De La Salle University (DLSU) Green Spikers ang hanay ng University of Santo Tomas (UST) Golden Spikers, 25-20, 25-27, 25-20, 25-18, sa kanilang huling engkuwentro sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Men’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Abril 27. Pinangunahan ni Kapitan JM Ronquillo ang opensa ng Green Spikers […]
Hiwaga ng pilak: DLSU Green Batters, itinanghal bilang 1st runner-up ng Season 86
NAPASAKAMAY ng De La Salle University (DLSU) Green Batters ang ikalawang parangal matapos lumuhod sa mababagsik na National University (NU) Bulldogs, 2-4, sa Game 2 ng finals ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 Baseball Tournament sa UP Diliman Baseball Field, Abril 21. Bumida para sa lupon ng Green Batters si National Team […]
Lady Spikers, nilapnos ang pakpak ng Blue Eagles
BINANLIAN ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang pagaspas ng pakpak ng Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles, 25-12, 25-12, 25-18, sa ikalawang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Abril 21. Pinangunahan ni middle blocker Thea Gagate ang kampanya ng Lady […]
Green Spikers, nilusob ang kampo ng Blue Eagles
NILAGLAG ng De La Salle University (DLSU) Green Spikers ang Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles, 25-21, 23-25, 26-24, 25-19, sa kanilang huling pagtutuos sa University Athletic Association of the Philippines Season 86 Men’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Abril 21. Nanguna sa pagpapalipad ng mga pana si DLSU open hitter Vince Maglinao […]
Lady Spikers, itinali ang pakpak ng Lady Falcons
NILURAY ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang tapang ng Adamson University Lady Falcons, 17-25, 25-19, 25-11, 25-22, sa ikalawang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Abril 17. Bumomba ng nag-aalab na 24 na puntos si Lady Spiker Shevana Laput upang tanghaling […]