Lady Archers, nagulantang sa bihag ng Growling Tigresses
UMIMPIS ang indayog ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers kontra sa mapangahas na University of Santo Tomas (UST) Growling Tigresses sa ikalawang araw ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s 3×3 Basketball Tournament sa Ayala Malls Manila Bay Activity Center, Mayo 3. Nagningning para sa Lady Archers si Lee Sario […]
Lady Archers at Green Archers kinulayan ng Berde at Puti ang unang araw ng UAAP 3×3
IWINAGAYWAY ng De La Salle University Lady Archers at Green Archers ang Berde at Puting watawat matapos makaukit ng tigdalawang panalo sa unang araw ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 Collegiate 3×3 Basketball Tournament sa Ayala Malls Manila Bay Activity Center, Mayo 2. Nanguna para sa Lady Archers si Ann Mendoza matapos […]
[SPOOF] Baby Em, Sarado Thirty pumalya sa paghataw sa CHACHA 2024
NAPUNDI ANG NINGNING ng tambalang Baby Em at Sarado Thirty matapos makamit ang ika-69 na puwesto sa kanilang pag-indak sa Carnival of Hypocritical Actions and Confounding Hijinks Amidst (CHACHA) 2024 World Dancesport Competition sa Philippine Arena, Abril 19. No na no for Youni Team! Umalingawngaw ang dismayadong reaksyon mula sa mga tagasuporta ng tambalang Baby […]
[SPOOF] #SonOfGawk: Kapitan Quibs, patuloy ang pag-arangkada sa Liga ng Dodgeball
Hiyawan at dagundong ng pagkadismaya ang sumalubong kay The Kingdom of Jesus Christ Dodgeball Team (KOJCDT) Captain Apollo “Quibs” Quiboloy sa kaniyang pagtapak sa prestihiyosong Papa World Cup noong Pebrero 2022. Matatandaang hindi matatawaran ang kahusayan ni Quibs sa naturang pampalakasan matapos makatanggap ng pambihirang parangal na Most Valagbag Player (MVP)–isang gantimpalang siya lamang ang […]
Lady Spikers, kumupas ang dilaab kontra sa pangil ng Golden Tigresses
NASINDAK ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa angil ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses, 25-21, 23-25, 16-25, 15-25, sa pagtatapos ng ikalawang yugto ng elimination round ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 Women’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Abril 27. Bumida para sa Lady Spikers si […]