Ecolympics 2021: Tagisan ng mga estudyanteng Lasalyano sa Mobile Legends, ikinasa!
UMIKOT sa mundo ng digital gaming ang Ecolympics 2021 na isinagawa ng ECONORG sa kanilang Facebook page nitong Agosto 20 hanggang 28 bilang handog sa mga estudyanteng Lasalyano na naglalayong maipamalas ang kanilang angking galing sa paglalaro at mahasa ang kasanayan sa pag-iisip. Bukod sa kakayahang makabuo ng madiskarteng pag-iisip sa pamamagitan ng paglalaro ng […]
Agawan ng trono: Tapatan ng mga koponan sa 2021 Wild Rift: SEA Icon Series – Summer Super Cup, sinariwa
BITBIT ang mga nakamit na parangal, matatagpuan sa mga pambatong bansa ng Timog-Silangang Asya ang ilan sa mga tanyag at dekalibreng koponan sa multiplayer online battle arena (MOBA). Sa katunayan, itinanghal ng GosuGamers ang mga koponang Pilipino na Blacklist International, Bren Esports, at Execration ML bilang tatlo sa pinakamahuhusay sa larong Mobile Legends: Bang Bang […]
Bagong mukha sa gitna ng pandemya: Adhikain sa paglalaro ng koponang Viridis Arcus Wild Rift, sinilip
NAGBABAGO na ang mundo ng isports mula sa paraan ng paglalaro hanggang sa mga instrumentong ginagamit upang laruin ang mga ito. Bunsod nito, patuloy na umaangat at nakikilala ang Esports sa buong mundo bilang panibagong mukha ng palakasan. Kabilang na rito ang larong League of Legends: Wild Rift (LOL WR). Isa sa mga aktibong manlalaro […]
Panibagong alas: Pagsulyap sa hagupit ni Lady Paddler Janna Romero
MAINIT, sumusulong, at umaatikabo—ganito mailalarawan ang pagbulusok ng De La Salle University (DLSU) Lady Paddler standout na si Janna Romero sa mundo ng table tennis sa loob at labas ng bansa. Matapos dominahin ang titulo sa Palarong Pambansa, sunod na tinahak ni Romero ang mas mataas na torneo ng Southeast Asian (SEA) Games 2019, gayundin […]
Isang taong integrasyon ng Mobile Legends sa GESPORT at GETEAMS, inusisa
MALAKING PAGBABAGO ang pinagdaanan ng mga kursong Physical Fitness and Wellness in Individual Sports (GESPORT) at Team Sports (GETEAMS), kasabay ng pagtungo ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa full online setup dahil sa pandemyang COVID-19. Mula sa tradisyonal na paglalaro ng isports noong face-to-face pa ang mga klase, kasalukuyang isinasagawa ang mga kursong ito […]




