Alpas ng alas: EJ Obiena, bigong makasungkit ng medalya sa Meeting-Hauts-de-France Pas-de-Calais
UMALPAS ang pambato ng Pilipinas na si EJ Obiena sa ikasampung puwesto matapos mapagtagumpayan ang 5.61 metrong talon sa men’s pole vault ng Meeting-Hauts-de-France Pas-de-Calais, Pebrero 18, sa Arena Stade Couvert sa Lievin, France. Matapos masungkit ang gintong medalya sa lumipas na 2022 Orlen’s Cup, sumalang sa entablado ng larong pole vaulting ng France ang […]
HERstory: PWNFT, tinuldukan ang kanilang makasaysayang karera sa semifinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup
NATALISOD ang Philippines Women’s National Football Team (PWNFT) kontra sa nagbabagang puwersa ng South Korea, 0-2, sa semifinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup, Pebrero 3, sa Shree Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India. Bilang sagot sa umaatikabong laro ng South Korea kontra Australia sa nakaraang laban nito, pinakilala ng PWNFT ang starting eleven […]
Ang huling pahina: Pagsariwa sa iniwang legasiya ng dating Green Archer Maoi Roca
TUMATAK na mga napagtagumpayang laro, nakamamanghang talento, at masasayang alaala mula sa mga sinalihang torneo—ganito mailalarawan ng mga tagahanga at tagapagsanay ni Maoi Roca, dating Green Archer, ang kaniyang naiwang legasiya sa loob ng kort. Sa kabila nito, umingay muli ang pangalan ng batikang basketbolista matapos maibalitang pumanaw na siya sa edad na 47 dahil […]
Panibagong hiyas ng mga pambato: Pagsulyap sa umuusbong na karera ni Mark Nonoy
DETERMINADO AT MATATAG—pinagtitibay ng mga estudyanteng atleta ang kanilang kaalaman at talento tuwing binabalanse ang mga gawain sa eskuwelahan at pag-eensayo habang kinahaharap ang banta ng pandemya. Isa si Mark Nonoy sa mga estudyanteng atleta na patuloy na nagsusumikap upang makamit ang pangarap na masungkit ang kampeonato sa mga sinasalihang torneo. Maliban sa angking husay […]
#WeAtTop: Mga pambatong koponan ng Pilipinas na BLCK at Onic PH, nanaig sa M3 World Championship!
NANGIBABAW ang Pilipinas sa larangan ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) matapos pagharian ang M3 World Championship nitong Disyembre 6 hanggang 19 sa Suntec Singapore International Convention. Bitbit ang hangaring magtagumpay para sa bansa, nag-untugan sa kampeonato ang Blacklist International (BLCK) at Onic Philippines. Naiuwi naman ng BLCK ang tropeo matapos lampasuhin ang ONIC, 4-0, […]