Isang taong integrasyon ng Mobile Legends sa GESPORT at GETEAMS, inusisa
MALAKING PAGBABAGO ang pinagdaanan ng mga kursong Physical Fitness and Wellness in Individual Sports (GESPORT) at Team Sports (GETEAMS), kasabay ng pagtungo ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa full online setup dahil sa pandemyang COVID-19. Mula sa tradisyonal na paglalaro ng isports noong face-to-face pa ang mga klase, kasalukuyang isinasagawa ang mga kursong ito […]
Samyo ng trono: Chery Tiggo Crossovers, makasaysayang napasakamay ang kampeonato sa PVL bubble!
SOLIDONG WINAKASAN ng Chery Tiggo Crossovers ang lakas at angas ng defending champion na Creamline Cool Smashers sa loob ng limang set, 23-25, 20-25, 25-21, 25-23, 15-8, sa kanilang huling laban para sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, Agosto 13, sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. Maliban sa […]
Chery Tiggo Crossovers, tuloy ang kampanya patungong kampeonato matapos patahimikin ang Creamline Cool Smashers
MATAGUMPAY na nakapaghiganti ang Chery Tiggo Crossovers kontra Creamline Cool Smashers nang maitabla nila ang serye sa loob ng apat na set, 25-18, 17-25, 25-16, 25-21, sa ikalawang paghaharap sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, Agosto 12, sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. Bitbit ang hindi matatawarang determinasyon, […]
Creamline Cool Smashers, namayagpag kontra Chery Tiggo Crossovers sa unang salpukan para sa kampeonato
DINUNGISAN ng Creamline Cool Smashers ang back-to-back win ng Chery Tiggo Crossovers mula semifinals matapos mamayagpag sa loob ng limang set, 25-15, 25-21, 18-25, 19-25, 15-7, sa unang game ng finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference, Agosto 11, sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. Natakasan ng best attacking team […]
Fly high! Patuloy na pamamayagpag ng mga atletang Lasalyano kasangga ang mga karakter sa sports anime
“Menomae ni tachihadakaru takai takai kabe sono mokou ha donna nagame daro u ka…” MALAYANG yumayakap sa bisig ng tubig at humahawak sa porma ng isang kamay na siyang nagsisilbing gabay ng katawan sa pagkampay—ganito inilarawan ni Haruka Nanase ang kaniyang pakiramdam sa paglangoy. Kasabay ng pag-aalay niya ng kaniyang buong puso, katawan, at kaluluwa […]