Ginintuang larga: Pagbuklat sa arangkada ng kampanya ni Eyon Usi sa Mobile Legends: Bang Bang
MATAGUMPAY, MABULUSOK, AT MAKASAYSAYAN—ito ang mga katagang naglalarawan sa karera ni Russel Aaron “Eyon” Usi sa Southeast Asian (SEA) Games 2022 para sa larong Mobile Legends: Bang bang (MLBB). Bilang sixth-man mid laner sa SEA Games 2022, tumayong kahalili ni Salic “Hadji” Imam ang punla na si Eyon upang makipagtulungang palakasin ang puwersa ng galaw […]
Samyo ng trono: EcoOil-DLSU Green Archers, hinirang na kampeon sa PBA D-League!
SOLIDONG SINELYUHAN ng EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers ang panalo kontra Marinerong Pilipino Skippers, 91-78, sa PBA D-League Aspirants’ Cup 2022 finals, Agosto 31, sa Smart Araneta Coliseum. Tangan ang perpektong tangka sa free throws at 41% efficiency sa loob ng arko, nagsilbing tanglaw si Schonny Winston sa kalalakihan ng DLSU laban sa […]
DLSU Green Archers, hinirang na second runners-up sa Filoil EcoOil 15th Preseason Cup!
NASUWAG ang De La Salle University (DLSU) Green Archers ng mga sungay ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 67-71, sa Filoil EcoOil 15th Preseason Cup, Agosto 25, sa Filoil EcoOil Centre, San Juan City. Nanguna para sa koponang Green and White si CJ Austria matapos pumuslit ng 11 puntos, pitong board, apat na assist, apat […]
PBA D-League: DLSU Green Archers, makasasabak sa do-or-die finals match kontra Marinerong Pilipino Skippers!
NAKABAWI ang EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers mula sa kanilang nakalipas na talo kontra Marinerong Pilipino Skippers, 70-63, sa kanilang ikalawang paghaharap sa best-of-three finals ng PBA D-League Aspirants’ Cup 2022, Agosto 24, sa Smart Araneta Coliseum. Sumiklab para sa Green Archers si Mike Phillips matapos kumana ng 18 puntos, 14 na rebound, […]
Tagisan ng mga taga-Taft: DLSU Green Archers, inungusan ang CSB Blazers tungo sa semifinals!
ITINUDLA ng De La Salle University (DLSU) Green Archers ang De La Salle College of St. Benilde (CSB) Blazers, 83-74, sa FilOil EcoOil 15th Preseason Cup quarterfinals, Agosto 23, sa FilOil EcoOil Center, San Juan City. Nagpakitang-gilas para sa Green Archers si Kevin Quiambao bitbit ang 18 puntos, limang rebound, at pitong assist. Katuwang naman […]





