Bilangguan ng etika
Mga itim na rehas at yerong bubong na kinakalawang sa kalupitan ng panahon. Sa gitna ng huwad na kapaligirang gawa-gawa ng mga tao lamang, matiwasay kang naglalakad sa espasyo ng kalayaan sa loob ng piitan. Pinagmamasdan ang mga buhay na matang nakatingin pabalik sa iyo at sa kaginhawahan mong tila malayong tala sa sulok ng […]
Arangkada o harurot tungo sa kaunlaran?
Sa bilis ng daloy ng panahon, nagbabadya na naman ang dulo para sa mga tsuper na hindi sasapi sa kooperatiba o korporasyon hanggang Abril 30, na unang hakbang kaugnay ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Kung susunod sila sa rekisitong ito, sunod na punto ang pag-upgrade ng kanilang makina o pagbili ng bagong sasakyan […]
Hanggang kailan maghihirap?
Kasiyahan at pagmamahalan ang unang nararamdaman ng bawat Pilipino tuwing may selebrasyon. Kapaskuhan, kaarawan, o anibersaryo man iyan, pinahahalagahan ng mga Pilipino ang bawat pagdiriwang. Ngunit sa likod ng makukulay na dekorasyon at masisiglang kantahan, nababalot ang masa sa alingawngaw ng mga suliraning bumibigat sa kanilang mga balikat. Hindi maitatanggi, nakaambang ang bawat selebrasyon sa […]
Dekalidad o ‘di kalidad?
Dumausdos, bumulusok, lumagapak. Iilan lamang sa mga salitang akmang maglalarawan sa kasalukuyang katayuan ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa Times Higher Education World University Rankings matapos mapabilang sa 1501+ na bracket mula sa 1201-1500 noong taong 2023. Gayundin, mapakukunot-noo ang sinomang makaririnig na bumaba rin ang ranggo ng Pamantasan sa 2024 Quacquarelli Symonds Sustainability […]
Malaya, ngunit nananatiling nakagapos
Gigising sa ganap na ika-5 ng umaga, haharapin ang kalbaryo ng transportasyon, papasok sa trabahong nagpapasahod ng kakarampot na minimum wage, at muling makipagsasapalaran sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin. Tila ano mang pagsusumikap, patuloy pa ring naghihikahos. Masalimuot mang sabihin, ngunit para sa ordinaryong Pilipino, hindi nadadaan sa sipag at tiyaga […]