Halaga ng hustisya
Pagpapahiya sa panawagan ng Pilipinas at maliliit na bansa para sa matibay na kasunduan sa hustisyang pangklima ang ikinasang USD300 bilyong anwal na pondong magmumula sa malalaking bansa hanggang 2035 sa United Nations Climate Changes Conference sa Baku, Azerbaijan nitong Nobyembre 2024. Balintuna, dagdag lamang sa utang ng mayayamang bansa ang nasabing halaga gayong matinding […]
Nakakulong sa sariling pamantasan
Umiikot ang mga eleksiyon sa De La Salle University sa isang siklo ng mga nakapipinsalang kasanayang hindi matanaw ang katapusan. Kasabay ng muling pagbubukas ng kampus noong 2022 ang pagtapak ng mga hindi malunasang suliranin sa halalang minamarkahan ng Make-Up at Special Elections (SE) kada akademikong taon. Sa bawat kabiguan ng mga partidong politikal at […]
Bayad po, isang estudyante
Kasabay ng paglipas ng panahon ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiyang ginagamit ng midya sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan. Nagresulta ang hindi maiiwasang pagbabagong ito sa mga komersyalisadong platapormang tuluyang nagpailap ng akses ng kabataan sa mga isport ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Matatandaang libreng mapanonood ang mga isport ng UAAP […]
Pagtapak sa demokratikong proseso
Nababalot ng mga isyu ang mga halalan sa loob ng Pamantasan. Sa paulit-ulit na kaguluhan ng mga proseso ng De La Salle University – Commission on Elections (DLSU COMELEC) at kapabayaan ng mga partidong politikal, tila nakapuwesto ang lahat ng ahedres ng eleksyong pangmag-aaral upang tuluyang magapos ang demokrasya. Nagdulot ng matinding lamat sa prosesong […]