Sa ilang salita mo lamang, gagaling na ako
Isang kakila-kilabot na panaghoy ang gumambala sa mapayapang purok. Sa kaibuturan ng lungsod, nakatayo ang isang tahanan sa masukal na lupaing dumadagdag sa misteryong bumabalot dito. Umalingawngaw ang boses ng isang dalagita mula sa loob, ngunit hindi nito natatakpan ang mga bulungan sa paligid na may bakas ng pangamba. Sa pagpasok sa nasabing tahanan, bumungad […]
Pagbuo sa pira-pirasong bubog ng bahaghari
Napupuno ng mga naglalakihang bato ang madilim na yungib—mga hadlang na pumipigil sa pag-usad. Sa bawat hakbang, pasan ang alaala ng pananakit na paulit-ulit sumusugat. Kahapon man o taon na ang lumipas, hindi madaling makaalpas sa dilim ng pang-aabuso. Napipilitang itago ng ilan ang kulay mula sa mata ng mapanghusgang mundo hanggang makulong sa pusod […]
Pagtapak sa mundo ng pagsasapatos
Gaano man kahaba ang paglalakbay, laging kaagapay ng talampakan ang proteksiyong ibinibigay ng isang sapatos. Mula sa malalambot nitong tapakan at perpektong hulma, tiyak na ginhawa ang dala sa bawat paghakbang. Tsinelas, sandalyas, at takong na pamporma—ilan lamang ito sa mga obrang nililikha ng mga sapatero para sa masa. Simple man sa unang tingin ngunit […]
Suites: Lakbay-indak sa mga isyung panlipunan
Hindi basta salita o tunog ang sining ng pagsasalaysay—isa itong paglikha ng puwersang kayang bumasag sa katahimikan. Sa pagitan ng mga galaw at kumpas, isinisilang ang mga panawagan. Sa bawat buhos ng damdamin, gumigising ito sa mga diwang matagal nang pinatahimik at nagbibigay tinig sa mga himig na matagal nang ikinubli. Sa ganitong layunin, isinabuhay […]
Lov3Laban 2025: Sa ngalan ng bawat kulay sa bahaghari
Binigyang-kinang ng komunidad ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersexual, Asexual at iba pa (LGBTQIA+) ang kalawakang nagbigay-laya upang mailantad ang kani-kanilang pagkatao. Iwinagayway nila ang mga makulay na watawat at itinaas ang mga bitbit na karatula sa ilalim ng tirik na araw sa University of the Philippines (UP) Diliman upang gunitain ang Lov3Laban na […]