Araw-araw na panghimagas: Tamis ng pagtitindang ginagabayan ng pananampalataya at pamilya
Sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa pait ng buhay, kinakailangan ng tamang sukat ng mga sangkap upang patamisin ang ilang sandali. Panghimagas ang karaniwang hinahanap ng panlasa; siyang paalalang maaari pa ring asahan ang tamis sa dulo ng samot-saring danas. Bunsod ng mga hamon, kani-kaniyang kayod ang mga tao upang matustusan ang araw-araw na pamumuhay ng […]
Balota: Kilabot at katatawanan ng politika
Mataas na sahod, mababang bilihin—mga malimit na bukambibig ng mga kandidato tuwing panahon ng halalan. Sa paulit-ulit na pangako ng pagbabago mula sa mga politiko, patuloy na umaasa ang taumbayan para sa pag-unlad at magandang kinabukasan. Subalit, sa kabila ng makukulay na slogan at magagarang plataporma, madalas ding nananatili bilang pawang salita ang mga ito. […]
Ang Walang Hanggang Banyuhay Natin: Magtatagpo sa anomang panahon
Pag-ibig o kapangyarihan—alin sa dalawa ang mas matimbang? Hindi na ito kailangan pang pag-isipan, tiyak ang tugon ng pusong umaapaw sa pag-ibig. Sa piitan ng tadhana’t mga nakatakdang landas, magpupumiglas ang tibok ng puso; aalpas ito at kakawala makapiling lamang ang sinisinta. Hango sa librong If Not, Winter: Fragments of Sappho ni Anne Carson, ikinuwento […]
Request Sa Radyo: Sa tuwing bibisita ang pangungulila
Saan ka sasandig tuwing hindi ka na napatatahan ng pag-uwi sa binuo mong tahanan? Kapag hindi mo pinatuloy ang bisitang pangungulila, ngunit nagpumilit itong samahan ka ngayong gabi, saan mo ito sandaling pauupuin? May buntong-hininga bago makipagsapalaran sa giyerang nagtitimpi sa kaloob-looban. Hindi ito namumutawi; hindi ito kayang ilarawan ng anomang salita. Isang emosyong walang […]
Ghosts of Kalantiaw: Pagmulat sa nagmumultong nakaraan
Maihahalintulad ang kasaysayan sa isang batis na may dalawang agos—dumadaloy ang isa tungo sa alaala, habang lumiliko sa limot ang kabila. Sa paglipas ng panahon, nauugit ang mga kuwento sa mananatili o mawawaglit sa isipan. Naghahatid ng matinding dagok ang memorya sa larawan ng nakaraan. Naghahain ito ng isang mapanghamong katanungan. Paano natin sinasala ang […]