#EDSA39: Sulo ng pag-aalsa mula sa nakaraan, pinagliyab laban sa tangkang pagpapatahimik
UMALINGAWNGAW sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ang panawagan ng iba’t ibang sektor sa kabila ng pagdeklara ng administrasyong Marcos Jr. na gawing special working holiday ang ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, Pebrero 25. Naging saksi ang EDSA Shrine at People Power Monument, Quezon City sa ikinasang programang pinangunahan […]
Kilos, bayan!: Sanib-puwersang paglaban sa katiwalian at kakulangan ng pondo sa edukasyon
NAGMARTSA ang mga estudyante at kawani ng iba’t ibang paaralan sa kahabaan ng Taft Avenue patungong Liwasang Bonifacio, Maynila upang isagawa ang protestang bayan, Enero 31. Kasama ang iba pang progresibong grupo, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) para sa pananagutan ng administrasyong Marcos Jr. at iginiit ang pagpapatalsik kay Bise Presidente Sara Duterte […]
Monkey business: Pagsilip sa mapanganib na paggalaw ng mpox sa Pilipinas
Malawak ang paggalaw ng isang sakit sa bansa at unti-unting nagpapakilala bilang panibagong banta sa buhay ng publiko. Naitala ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng mpox sa Pilipinas kasunod ng ikalawang deklarasyon ng World Health Organization (WHO) dito bilang isang global public health emergency noong Agosto 2024. Ayon naman kay DOH Secretary […]
Manggagawa naman: Pagsiyasat sa Php35 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor ng NCR
INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang pangkalahatang dagdag-sahod para sa mga manggagawa mula sa pribadong sektor ng National Capital Region (NCR) noong Hunyo 2024. Tumaas ang arawang sahod para sa mga empleyado ng non-agricultural sectors ng rehiyon mula sa dating Php610. Umabot naman sa Php608 ang halaga ng panibagong arawang sahod […]
Naka-Alice at nakapagtago: Malalabong linya ng hustisya sa Pilipinas para sa mga nakatataas
Malawak na ngiti at malapit na pakikisama sa awtoridad ang tumambad sa mga larawang inilabas sa publiko matapos mahuli sina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Apollo Quiboloy noong Setyembre 2024. Hindi nakitaan ng kahit anong bakas ng pangamba ang dalawang kontrobersiyal na personalidad na kapuwa nakagawa ng […]