Inobasyon sa industriya ng pananalapi, binigyang-lalim sa ika-siyam na Global Finance Convention
PINAIGTING ang pagpapaunlad sa makabagong sistema ng pananalapi sa Global Finance Convention (GFC) 2025: Catalyzing Innovation in Modern Finance na pinangunahan ng De La Salle University Management of Financial Institutions Association sa Natividad Fajardo-Rosario Gonzalez Auditorium, Marso 22. Nagbahagi ng mga sentimiyento sina Katrina Francisco, Climate Change and Sustainability Services partner ng SGV & Co.; […]
Pagsusog sa USG Constitution, tinalakay sa ikatlong regular na sesyon ng LA
INUSISA ang mga posibleng pagbabago sa konstitusyon ng University Student Government (USG) sa ikatlong regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA) nitong Marso 12. Tinimbang sa naturang sesyon ang mungkahing pagtanggal sa ilang posisyon sa USG. Inaprubahan naman sa sesyon ang panukalang naghihimok sa USG na maglabas ng pahayag ukol sa selebrasyon ng Buwan ng […]
Saysay ng EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan, sinuri sa EDSA@39
BINIGYANG-HALAGA ang diwa ng EDSA People Power Revolution sa online forum na “EDSA@39: Its Relevance in the Digital Age and the 2025 Elections” nitong Pebrero 25. Inorganisa ng De La Salle Philippines – Lasallian Justice and Peace Commission at La Salle University – Ozamiz ang diskusyon upang balikan ang kabuluhan ng EDSA People Power Revolution […]
Kauna-unahang panukala sa wikang Filipino, aprubado sa ikalimang espesyal na sesyon ng LA
MATAGUMPAY NA IPINASA ang panukalang humihimok sa University Student Government na maglabas ng isang opisyal na pahayag na nasa wikang Filipino para sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ikalimang espesyal na sesyon ng Legislative Assembly (LA), Pebrero 24. Aprubado na rin ang mga katitikan ng pulong para sa ikalawang regular na […]
Problematikong sistema ng enlistment sa DLSU, ginalugad
PINAHIHIRAPAN ng sistema ng enlistment ang mga estudyante ng De La Salle University (DLSU) bunsod ng kaliwa’t kanang aberya sa mga website ng Pamantasan, mga kulang na slot sa mga kurso, at mabagal o pabago-bagong proseso kada termino. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Vice President for Internal Affairs Josel Bautista, ipinaliwanag niya ang […]