Iti Mapukpukaw: Pag-angkin sa mga pira-pirasong ninakaw

Iti Mapukpukaw: Pag-angkin sa mga pira-pirasong ninakaw

Lauren Angela ChuaAug 18, 2023
Mahirap mabuhay nang may bubog na nakatusok sa dibdib. Sa hindi inaasahang pagkakataon, madalas nitong pinasisikip ang daanan ng hangin at pinabiblis ang tibok ng puso. May mga panahon namang pinalilitaw nito ang mga halimaw na babagabag sa natitirang katinuan ng isip. Saglit mang malimutan, lagi pa ring nananahan; nagbabadyang kumirot muli upang ibalik ang […]
Rookie: Mapaglarong pagmamahalan ng dalawang dalaga

Rookie: Mapaglarong pagmamahalan ng dalawang dalaga

Sinta, ‘di mo ba alam? Halos ‘di na makatulog kakaisip, ikaw ang dahilan. Sa pagdribol at paglipad ng bola, unti-unting tumibok ang mga puso. Balisa’t palinga-linga sa nadarama ng dibdib—nabuo sa makitid na kort ang pag-ibig ng dalawang dalagang atleta ng volleyball. Ikaw ang pahinga, ang tanging ninanais kahit ‘di ka naman sa’kin papunta. Tila […]
WEavers as One: Hinabing pamanang hindi mapapatid ng sinulid ng pagkakakilanlan

WEavers as One: Hinabing pamanang hindi mapapatid ng sinulid ng pagkakakilanlan

Hindi maikakaila ang mayabong na kulturang nakapalibot sa bansa. Ibinubuklod nito ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa mga kinagisnang tradisyon. Katulad na lamang ng paghahabing isinasabuhay ang identidad ng mga manghahabi sa iba’t ibang tribo. Mula sa pagkapit ng sinulid, pagtutok sa mga detalye ng tela, at aktuwal na paghahabi, sinasalamin […]
Pag-akay ng senyas na gumagabay: Nagdudumilat na danas ng isang tradisyonal na tagagawa ng karatula

Pag-akay ng senyas na gumagabay: Nagdudumilat na danas ng isang tradisyonal na tagagawa ng karatula

Patuloy na tumatagaktak ang pawis sa ilalim ng nakatirik at nakalupaypay na araw. Bandang alas dose na nang tanghali ngunit wala pa ring namatahang tagagawa ng karatula matapos magpasikot-sikot sa purok ng Libertad. Unti-unti nang nararamdaman ang pangangawit ng mga braso’t kamay mula sa palipat-lipat na pagsakay ng LRT simula alas nuwebe ng umaga. Tila […]
Putok-bugang istorya sa isang gabi’t isang kama

Putok-bugang istorya sa isang gabi’t isang kama

Nag-iinit ang katawang nagnanais ng lambing at halik. Ramdam ang pag-akyat ng damdaming nanginginig. Naninigas. Yakap-yakap, binabagtas ang mamasa-masang kuwebang unti-unting dumudulas. Pumapasok, lumalabas. Paulit-ulit, walang humpay sa pagbayo habang namimilipit. Napaisip. May hinahanap na kasagutan. Tunay nga bang kaluguran o siphayo ang dulot ng panandaliang kalibugan? Nagbuntong-hininga, muling kumalampag. Nagpatuloy sa larong pinagkasunduan ng […]