Pagtuhog sa panlasang Pilipino: Paglasap sa kuwento ng mga nagluluto ng litson sa La Loma
Sa bawat pistahan, kaarawan, noche buena, o anomang espesyal na okasyon, masisilayan ang handaang nagsisilbing tulay sa bawat pamilyang Pilipino. Simot na simot lagi rito ang nakatatakam na putaheng hindi kailanman nawawala—ang litson. Tila obra sa gitna ng hapag-kainan, patok ang litson bilang representasyon ng panlasang Pilipino. Nag-uunahan ang lahat makuha lamang ang kanilang paboritong […]
Pormahang tumatatak: Pagtahak sa mga yapak ng isang Lasalyanong TikToker
Sa pagpasok sa mundo ng TikTok, masasaksihan ang makulay at masiglang mundong puno ng mga kuwento at talento. Nagtatampok ito ng maiikling bidyong may iba’t ibang estilo ng pagpapakitang-gilas at pagpapahayag ng impormasyon. Tulay ang plataporma upang maipakita sa mundo ang talentong taglay ng bawat tao at makapukaw ng atensyon sa mga isyung panlipunan. Tila […]
Halakhak sa mga isyung kahamak-hamak: Pagbabago ng komedya sa nagdaang panahon
“Mas mahirap talagang magpatawa kaysa magdrama. Magdrama ka, kahit hindi ka makaiyak,drama pa rin ‘yon. Magpatawa ka, ‘pag di ka nakakatawa, hindi na ‘yon comedy.” – Comedy King, Dolphy Mula sa Comedy King na si Dolphy ng Dekada 90 tungo sa Unkabogable Vice Ganda ng modernong telebisyon, nagsilbing libangan at pampalipas-oras ang pakikinig at panonood […]
Tatag sa aruga, tapang sa pagmamahal: Pagyakap at pagtaas sa mga kababaihan sa Malaya: International Women’s Congress
Nagsisimulang lumuwag ang pakiramdam ng dibdib habang papalapit nang papalapit sa kaniyang tahanan. Umaapaw sa puso ang pananabik na kanina pang nararamdaman. Sa pagbukas ng pinto, isang buntong hininga ang pinakawalan—natamo na sa wakas ng ang ginhawang walang kapantay. Nakabibighaning konsepto ang yakap ng pag-uwi matapos ang buong araw na pagharap sa mundo. Nadama ang […]
Magkarugtong na pusod: Hiwalay na landas ng surrogate mother at anak
Paglipas ng siyam na buwang bitbit ang nabuong buhay sa loob ng sinapupunan, maririnig ang hagulgol ng maputlang sanggol. Kapos man sa hininga’t puno ng pagod sa pagbubuntis, makukuha pa ring ngumiti ng nanghihinang nanay. Kadalasan, agarang kikinang ang mga mata ng inang nagdusa sa panganganak sa paglitaw ng maliit na paslit. Subalit, magkahalo ang […]