Unmute: Pagdinig sa mga kuwento ng pagsusumamo at pag-aasam
Halos pitong buwan na ang lumipas simula nang yanigin ng pagbabago ang takbo ng ating mundo. Unti-unting naramdaman ng bawat isa ang bigat ng kalagayang dulot ng pandemya—mula sa mga karaniwang gawain hanggang sa paraan ng ating araw-araw na pamumuhay. Sa pagbubukas ng panibagong kabanata ng ating buhay, taglay nito ang pag-aalinlangang tapusin ang isang […]
Daluyong Kanayunan: #StandWithFarmers, pagsasahimig sa mga kwento ng hinagpis
Para sa isang magsasaka, maituturing bang oras ng pahinga ang pagsapit ng dapithapon kasabay ng pagtatapos ng mga gawain sa bukirin? Subalit paano sila makakapagpahinga kung sa hapag-kainan, walang maihahain? Marahil katumbas ng pahinga ang araw ng ani—sa wakas, nagbunga na rin ang lahat ng hirap at pagtitiis. Subalit paano kung kakarampot na barya lamang […]
In Translation: Indak sa kahon ng makabagong pagpapahayag
Nababalot ng matinding lungkot at takot ang mga anyong mariing tinataguan ang sumasalakay na magnanakaw. Labis ang pag-iingat upang hindi makuha ang kayamanang walang katumbas—ang kanilang buhay at ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay. Subalit sa gitna ng pangamba, may mga paang nagpapayanig at mga kamay na kumakaway na tila nagbibigay-senyales na may […]
Kumulubot na boses ng gunita: Himig ng Malaya Lolas para sa inaasam na hustisya
“Kaya kami ngayo’y nagsama-sama mga katandaan ay nagkakaisa. Ang hangad po naming katarungan sana tunay na nangyari at walang kapara. . .” Halika’t sabayan at pakinggan ang mga awiting singlalim ng gabi. Damhin ang liriko ng hapis mula sa kumulubot na dapithapon. Ilang dekada nang umaawit ang Malaya Lolas sa bayan ng Mapanique sa Candaba, […]
Kagitingan ng mga bayani ng katotohanan: Munting pagsilip sa buhay nina Jessica Soho at Mike Enriquez
Mapangahas ang mundo ng pamamahayag, batid nito ang kalikasan ng mga makabuhulang salaysay sa bawat sulok ng daigdig. Taas-noong ihahain ang naratibo upang mabatid at mapakinggan ang istoryang hindi naririnig. Hindi lamang ito isang hamak na hanapbuhay, isang bokasyon ang pagpasok sa larangan ng pamamahayag. Kaugnay nito ang paghahanap ng ikakasang tanong upang lubusang mahukay […]