Sa susunod na pasilip sa likod ng tanghalan
Biyernes na. Kasama ang mga kaibigan, makikipagsiksikan sa elevator, hawak ang ticket at magdadasal na hindi mahuli sa kinasasabikang palabas. Maghihintay muna sa labas. Tatanawin ang loob hanggang sa magbukas ang mga pinto sa inaabangang programa at saka makikipagkuwentuhan. Pagkapasok, ramdam agad ang lamig at kilabot habang nakaupo sa pulang silya. Nakahandang sumalubong ang makukulay […]
Alingawngaw ng mga naimpit na hiyaw
“D-L-S-U! Animo La Salle!” ‘GO LA SALLE! GO! GO! LA SALLE!” Mapa-umaga, hapon, o gabi, ito ang maririnig ng isang Lasalyano bago pa man siya makaabot sa kaniyang destinasyon. Hindi lang ito mga linya kundi mga hiyaw na buong kapurihang ipinapahayag ng mga miyembro ng pamayanang Lasalyano. Ito ang mga sigaw na paulit-ulit at inaabot […]
Paglisan sa kinagisnang tahanan, pagsulong tungo sa kinabukasan
Sa tuwing pinagmamasdan natin sa huling pagkakataon ang lugar na ating kinagisnan, hindi mawawala ang pasasalamat sa mga alaala at mga aral na ibinahagi nito. Kahit na gunita na lamang ng nakaraan ang natitira rito, may kapangyarihan pa rin itong ibalik ang mga mahahalagang gunita at mga karanasan. May kakayahan din itong maitawid tayo tungo […]
Nagdiriwang, nangangasiwa—Henry Sy, tanda ng pagkabata
Sa pagtapak ng mga paa, nagsisimula. Patungo sa pintong may guhit sa gitna. Madalas may pila, minsan wala. Unti-unting naghihiwalay ang dalawang bahagi nito—hudyat ng pagpasok sa maliit na espasyong may apat na sulok. Gumagalaw: pataas, pababa, patungo sa palapag na nais puntahan at makita. May labing-apat na palapag. Sa pinakatuktok nito, maaaninag: mukha ng […]
Pagpapagal hanggang sa pagsapit ng takipsilim
Gusaling kamangha-mangha at walang kahalintulad—sa unang sulyap, hindi aakalaing bahagi ng Pamantasan. Napaliligiran ng mga matataas na imprastraktura at iba pang gusaling tinutuluyan ng mga mag-aaral. Sa pagpasok dito, bubungad ang nakasisilaw na mga ilaw at agad na maririnig ang walang humpay na tawanan at masasayang kuwentuhang may katumbas ding hinagpis. Nagkakaroon din ng palitan […]