Kalinga nilang nangangalaga, pagkapit sa nalalabing alaala
Mainit na haplos ang sumasalubong sa ating unang pagmulat. Kukunin ang kamera at kukuhanan ang unti-unting pagkatuto mula sa kung papaanong nag-uunahan ang maliliit nating mga paa. Makalipas lamang ang ilang buwan, matututunan nang magbuhol ang mga dilang pilit pinagtatagpi ang mga letra. Hanggang sa hindi namamalayang sandali, makabubuo na rin ng mga kagawian at […]
Pagsibol ng buhay sa gitna ng pandemya
Pawis na pawis at namimilipit sa kirot, damang-dama ang hirap ng pagluluwal ng buhay. Napaliligiran ng mga taong naka-asul na maskara; ni hindi man lang makasulyap ng isang ngiting bahagyang papawi sana sa sakit. Mangiyak-ngiyak, ngunit tuloy lamang sa pagsigaw hanggang sa marinig ang unang uwang nagtatakda ng panibagong buhay. Tila pinapawi ng munting tinig […]
Silang mulat sa katotohanan: Kuwento ng kalalakihang pumipiglas sa patriyarka
Sa sandaling subukang intindihin ang buhay ng kababaihan, hindi maiiwasan ang ganitong paglalarawan: mabigat ang kanilang bawat hakbang at mahamog ang tinatahak na daan—tila ba dapat munang makiramdam bago makarating sa nais puntahan. Minsan, makauusad ng isang hakbang, ngunit babalik din nang dalawa. May mga pagkakataon namang nawawala nang pansamantala ang hamog, ngunit hangga’t malamig […]
Pagsulyap ng halimaw sa salamin
Tuwing sumisikat ang araw, normal ang takbo ng kaniyang buhay—ngiti rito, tawa roon, at kaunting pakikipagkuwentuhan. Tila walang malugaran ang mga aninong mayroong itinatagong lihim sa sinag ng araw. Sa kaniyang pag-uwi, dahan-dahang huhubarin ang mga damit na naging panangga sa mga lihim na nakatago sa anino. Uunahing hubarin ang pantaas na t-shirt, sunod ang […]
Reincarnate: Pagragasa ng Hallyu Wave sa DLSU
Mala-tsunami ang kulturang bitbit ng bansang South Korea. Tila maraming mata na ang nalunod sa makulay nilang kultura. Hindi maipagkakailang natangay rin ang mga Pilipino sa alon na binansagang Hallyu wave. Repleksyon ng impluwensya nito ang mga luhang bumabaha dahil sa mga istoryang bitbit ng mga Korean Drama (K-Drama). “Saranghaeyo,” ang sigaw ng isang ganadong […]