Hubad na katotohanan sa likod ng pilosopiya at mga obra ng kababaihan
Iba ang karanasan ng bawat kababaihan kompara sa kalalakihan sa ating mundong kinamulatan. Isang patunay na rito ang kanilang patuloy na pagpiglas mula sa kulturang machismo at lipunang patriyarkal na nananatiling lumulupig sa kanila. Pagdating sa larangan ng sining, tila naging sukatan ang katawan ng isang babae sa pagdikta ng kahalagahan nito bilang sentro ng […]
March with Women: Kolektibong pagkilos tungo sa pagsulong ng karapatang pangkababaihan
Nakababagot para sa karamihan ang pandemya sapagkat ito ang itinuturing nilang dahilan kaya hindi na sila nakalalabas, nakalalanghap ng sariwang hangin, at nakagagawa ng mga bagay na mas nakapagpapagaan sa kani-kanilang mga buhay. Hindi na madali ang pagdalo sa kaarawan ng mga matatalik na kaibigan, at tila tala na rin ang simpleng pagtapak sa pinapangarap […]
Kasiyahang kaakibat ang pag-iingat: Bagong mukha ng mahika sa bagong normal
Itinigil ng pandemya ang karaniwang kalakaran ng buhay. Para sa kaligtasan ng lahat, kinailangan nating maging bilanggo sa sari-sarili nating bahay. Habang mabilis na lumilipas ang mga araw sa gitna ng ipinatupad na lockdown, nararamdaman nating bumabagal ang oras at sumisikip ang espasyo sa loob ng ating tahanan. Limitado sa mga kwarto nito ang ating […]
Kalinga nilang nangangalaga, pagkapit sa nalalabing alaala
Mainit na haplos ang sumasalubong sa ating unang pagmulat. Kukunin ang kamera at kukuhanan ang unti-unting pagkatuto mula sa kung papaanong nag-uunahan ang maliliit nating mga paa. Makalipas lamang ang ilang buwan, matututunan nang magbuhol ang mga dilang pilit pinagtatagpi ang mga letra. Hanggang sa hindi namamalayang sandali, makabubuo na rin ng mga kagawian at […]
Pagsibol ng buhay sa gitna ng pandemya
Pawis na pawis at namimilipit sa kirot, damang-dama ang hirap ng pagluluwal ng buhay. Napaliligiran ng mga taong naka-asul na maskara; ni hindi man lang makasulyap ng isang ngiting bahagyang papawi sana sa sakit. Mangiyak-ngiyak, ngunit tuloy lamang sa pagsigaw hanggang sa marinig ang unang uwang nagtatakda ng panibagong buhay. Tila pinapawi ng munting tinig […]