Limbo Rak: Kuwento ng pagkapit at paglaya sa siklo ng buhay
“Cubao Station. Nakarating na tayo sa Cubao Station.” May sinusundang siklo ang tren pagdating sa mga lugar na dapat nitong paroroonan. Matapos magbaba sa huling estasyon, babalik muli ito sa unang estasyon — doon na magsisimula ang siklo nito. Tulad ng isang tren, may patutunguhang direksyon ang ating mga buhay na isinasabuhay. Subalit, sa buhay […]
Mga kamay sa likod ng makulay na ilaw sa Kapaskuhan
Sa tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan sa Pilipinas, tanaw sa bawat pintuan at bintana ang mga parol na sumisimbolo sa espesyal na tradisyon ng Paskong Pilipino. Dala-dala ang liwanag na nagbibigay-aninag sa kasiglahan at pag-asa, kalakip nito ang masasayang alaalang handog ng Pasko sa bawat isa. Nitong lumipas na taon at mga buwan, humarap […]
Ang kuwadradong mukha nina Sir at Miss sa iskrin
Patuloy pa rin ang pakikipagbuno ng mga guro’t estudyante sa mapanghamong online na klase sa loob ng dalawang magkasunod na taong panuruan. Mistulang sinagtaon na ang layo ng matatamis na palahaw ng mga estudyanteng nagtatampisaw sa pagpapaulan nina Sir at Miss ng mga kwatro’t incentives. Sa kasalukuyan, imbis na sinag ng panibago’t masigasig na araw […]
Pagtaya ng buhay para sa kaligtasan ng masa: Pasilip sa kuwento ng mga first aid responder
Sunod-sunod ang pagbusina ng ambulansya. “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,” halos hilingin na rin ng sakay nitong mga first aid responder na magkaroon ng himala na biglang lumawak ang kalsada. Hindi nila alintana sakaling bumilis ang kanilang takbo; nakikipag-unahan din kasi sa mga kamay ng orasan ang bawat tibok ng puso ng pasyenteng […]
Sa kadahupan at kawalan ng kulay: Pagkapit sa baston ng liwanag
Araw-araw, tila bilyon-bilyong tao ang pumipikit upang makatakas sa sansinukob na natatanaw habang nakadilat ang mga mata. Ramdam ng sentido ang pananabik na maimulat ang mga mata upang masilayan ang pinaghalo-halong kulay sa loob ng daigdig. Pula, kahel, bughaw, dilaw, at luntian—ilan sa mga kulay na nagpatitingkad sa kapaligiran ng mga buhay na nilalang. Subalit, […]