Inihahandog ng UP Economics Society ang Ground UP: Service Through Talent
Ngayong 2021, ginugunita ng UP Economics Society (UP Ecosoc), isa sa mga nangungunang socio-civic na organisasyon sa UP Diliman, ang kanilang ika-63 anibersaryo sa pamamagitan ng isang buwan na puno ng selebrasyon, na tinatawag na “Ecosoc Month.” Tuwing Setyembre, naglalatag ang UP Ecosoc ng limang makabuluhang proyekto—Launch at Gallery, Service Project, National Economics Summit, Grand […]
Starpreneur: Mapa tungo sa kinabukasan
May takot na nadarama sa tuwing lumalagpas sa kasalukuyan at sumisilip sa kinabukasan ang tanaw ng isang tao. May pangambang bumabalot sa kaniya sapagkat walang kasiguraduhan ang kinabukasang kaniyang madadatnan. Ngunit, sa bawat hakbang na tatahakin at bawat pisong gagastusin, may pangarap na unti-unting masisimulan at mabubuo. Hindi man klaro ang plano para sa kinabukasan, […]
Forte 2021: Sakay ng himig ng Airline Sol
Tila sinagtaon na ang layo ng mga alaalang malimit na binabati ng pagkasabik na muling maramdaman ang sagsag-kumahog ng paliparan at ang mga kuwentong kalakip ng paglalakbay. Mula sa dumadagundong na pagbati ng gulong ng mga eroplanong patungong kalangitan, hanggang sa mahalimuyak na aroma ng tindang kapeng sumasakob sa paligid habang masinsinang naghihintay ng pag-anunsyo […]
Oda para sa silakbo ng paghanga
Isang minuto na lamang. Pabilis nang pabilis ang pagdaloy ng dugo sa aking katawan. Tatlumpung segundo bago ko masilayan ang panibagong mundo. Sampung segundo bago ko makamtan ang kalangitan. Isa, dalawa, tatlo . . . narito na ang panibago ninyong kanta! May hatid itong panibagong saya sa aking damdamin. Dala ng init ng sandaling ito, […]
Alpas: Pagbibigay-kahulugan sa sariling kalayaan
Isang malalim na buntong-hininga para sa mga nakararamdam ng masidhing pagkabalisa, pagkabigo, at pagkakulong. Sa mga sandaling ito, hayaang umagos ang mga pag-aalala at pangamba sa matiwasay na batis, at kasabay na hugasan ang naghihilom na mga kamay mula sa alumpihit ng pagkakagapos. Dahan-dahan naman itong itataas sa himpapawid habang matiwasay na tinitiklop ang mayuming […]