Tao po: Dagliang pagkasa ng hatol sa loob ng isang putok

Tao po: Dagliang pagkasa ng hatol sa loob ng isang putok

Biglang dumanak ang sariwa’t mapula-pulang dugo nang dagliang kinalabit ang gatilyong nakakabit sa baril. Kisapmata nitong binuga ang balang kumitil sa huling hininga ng mga kapus-palad na naghihikahos. Sunod na babagabag sa sentido ang napakalakas na hagulgol nilang namatayang puno ng paghihinagpis. Karumal-dumal man ang senaryo, subalit mas kasindak-sindak na sa paglipas ng mga taon, […]
International Observe the Moon Night: Pagtagay para sa ating mapagpairog na buwan

International Observe the Moon Night: Pagtagay para sa ating mapagpairog na buwan

Tiyak na mamamangha ka sa tuwing ipinagmamarangya niya ang kaniyang maluwalhating tindig sa karimlan ng kalangitan. Higit na nagluningning sa himpapawid ang ating buwan na handang tumanglaw sa ating mga nababalisang isipan at mapaghinaing na damdamin. Hindi malabong sa bawat oras na nilalaan natin sa pagmamanman sa kaniyang angking kariktan, mas nahuhumaling tayong pahalagahan ang […]
Tagumpay ng kabataan: Pagbabagong dala ni Mirus Ponon

Tagumpay ng kabataan: Pagbabagong dala ni Mirus Ponon

Madalas na sinisimulan ng estranghero ang kaniyang araw sa isang buntong-hininga. Ramdam sa malalim na paghingang ito ang pagod at siphayo mula sa hirap ng buhay na dala ng mundong nangangailangan ng pagbabago. Araw-araw niyang bitbit ang bigat ng pangarap na gumising sa isang bukas na hinulma ng mabubuting tao. Ngunit sa kaniyang pagsalubong sa […]
Inihahandog ng UP Economics Society ang Ground UP: Service Through Talent

Inihahandog ng UP Economics Society ang Ground UP: Service Through Talent

Ngayong 2021, ginugunita ng UP Economics Society (UP Ecosoc), isa sa mga nangungunang socio-civic na organisasyon sa UP Diliman, ang kanilang ika-63 anibersaryo sa pamamagitan ng isang buwan na puno ng selebrasyon, na tinatawag na “Ecosoc Month.” Tuwing Setyembre, naglalatag ang UP Ecosoc ng limang makabuluhang proyekto—Launch at Gallery, Service Project, National Economics Summit, Grand […]
Starpreneur: Mapa tungo sa kinabukasan

Starpreneur: Mapa tungo sa kinabukasan

May takot na nadarama sa tuwing lumalagpas sa kasalukuyan at sumisilip sa kinabukasan ang tanaw ng isang tao. May pangambang bumabalot sa kaniya sapagkat walang kasiguraduhan ang kinabukasang kaniyang madadatnan. Ngunit, sa bawat hakbang na tatahakin at bawat pisong gagastusin, may pangarap na unti-unting masisimulan at mabubuo. Hindi man klaro ang plano para sa kinabukasan, […]