Sa kadahupan at kawalan ng kulay: Pagkapit sa baston ng liwanag
Araw-araw, tila bilyon-bilyong tao ang pumipikit upang makatakas sa sansinukob na natatanaw habang nakadilat ang mga mata. Ramdam ng sentido ang pananabik na maimulat ang mga mata upang masilayan ang pinaghalo-halong kulay sa loob ng daigdig. Pula, kahel, bughaw, dilaw, at luntian—ilan sa mga kulay na nagpatitingkad sa kapaligiran ng mga buhay na nilalang. Subalit, […]
Zoom University: Akademya sa gitna ng pandemya
Mahigit isa’t kalahating taon na rin ang nakalilipas mula noong huling nakapasok ang pamayanang Lasalyano sa loob ng unibersidad. Mabilisang ninakaw ng panahon at ng pandemya ang mga dapat sanang masasaya pang araw kasama ang mga kaibigan nang sapilitang ikinahon sa nakabubulag na iskrin ang mga araling pinipilit intindihin kapalit ng sapat na paghinga at […]
Abo-KayKay: Paghukay at pagsasabuhay sa mga ibinaong alaala
Traydor ang mga alaala—ang matatamis na salita sa isa’t isa, ang mga pangarap na pinagsaluhan at tutuparin nang magkasama, at ang mga taong akala mong magtatagal at sasamahan ka hanggang sa huli. Gumuguhit ang mga ito, mariin at pino, sa bawat segundo ng pag-alala at pagsasariwang muli ng nakaraan—dahan-dahang kinakaykay ang pait at sakit sa […]
#Powerhouse2021: Progresibong kababaihan tungo sa inklusibong lipunan
Malayo na ang nilakbay ng kababaihan upang mas mabigyang-kapangyarihan ang kanilang kapwa kababaihan. Taon na ang nagdaan simula noong umandar ang makinarya upang makalas ang nakasasakal na gapos ng lipunan sa mga babae. Ngunit, sa kabila ng pag-unlad ng peminismo, matatanaw pa rin ang pangmamaliit; maririnig pa rin ang mga ‘di namamalayang salitang ubod ng […]
Sa likod ng mga kulay: Ang banderang bitbit ni Leni Robredo
Nagmimistulang giyera ang politika tuwing sumasapit ang panahon ng eleksyon. May mga bangayan at sigawang maririnig mula sa magkakalabang partido at sa kanilang mga taga-suporta. Pinangungunahan ng bawat kandidato ang kani-kanilang mga batalyon tungo sa labanang magdidikta ng kinabukasan ng Pilipinas. May kaniya-kaniyang mga banderang iba’t iba ang kulay na iwinawagayway ang bawat kandidato sapagkat […]