Mga kamay sa likod ng makulay na ilaw sa Kapaskuhan
Sa tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan sa Pilipinas, tanaw sa bawat pintuan at bintana ang mga parol na sumisimbolo sa espesyal na tradisyon ng Paskong Pilipino. Dala-dala ang liwanag na nagbibigay-aninag sa kasiglahan at pag-asa, kalakip nito ang masasayang alaalang handog ng Pasko sa bawat isa. Nitong lumipas na taon at mga buwan, humarap […]
Ang kuwadradong mukha nina Sir at Miss sa iskrin
Patuloy pa rin ang pakikipagbuno ng mga guro’t estudyante sa mapanghamong online na klase sa loob ng dalawang magkasunod na taong panuruan. Mistulang sinagtaon na ang layo ng matatamis na palahaw ng mga estudyanteng nagtatampisaw sa pagpapaulan nina Sir at Miss ng mga kwatro’t incentives. Sa kasalukuyan, imbis na sinag ng panibago’t masigasig na araw […]
Pagtaya ng buhay para sa kaligtasan ng masa: Pasilip sa kuwento ng mga first aid responder
Sunod-sunod ang pagbusina ng ambulansya. “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,” halos hilingin na rin ng sakay nitong mga first aid responder na magkaroon ng himala na biglang lumawak ang kalsada. Hindi nila alintana sakaling bumilis ang kanilang takbo; nakikipag-unahan din kasi sa mga kamay ng orasan ang bawat tibok ng puso ng pasyenteng […]
Sa kadahupan at kawalan ng kulay: Pagkapit sa baston ng liwanag
Araw-araw, tila bilyon-bilyong tao ang pumipikit upang makatakas sa sansinukob na natatanaw habang nakadilat ang mga mata. Ramdam ng sentido ang pananabik na maimulat ang mga mata upang masilayan ang pinaghalo-halong kulay sa loob ng daigdig. Pula, kahel, bughaw, dilaw, at luntian—ilan sa mga kulay na nagpatitingkad sa kapaligiran ng mga buhay na nilalang. Subalit, […]
Zoom University: Akademya sa gitna ng pandemya
Mahigit isa’t kalahating taon na rin ang nakalilipas mula noong huling nakapasok ang pamayanang Lasalyano sa loob ng unibersidad. Mabilisang ninakaw ng panahon at ng pandemya ang mga dapat sanang masasaya pang araw kasama ang mga kaibigan nang sapilitang ikinahon sa nakabubulag na iskrin ang mga araling pinipilit intindihin kapalit ng sapat na paghinga at […]