Tagpuan ng buhay at kamatayan: Panganib sa panganganak ng isang ina
Sabi nga nila, mas marami pang maririnig na dasal sa loob ng ospital kaysa sa simbahan; mga panawagan sa Maykapal para sa matagumpay na operasyon o paghingi ng isa pang bukas. Para sa isang nagdadalang tao, nagsisilbi rin niyang sandigan ang pagdarasal para sa ligtas na panganganak, sapagkat nagmimistulang sugal ang pagsilang sa isang sanggol […]
Pagsulong ng mga laong batikan sa pagbuhos ng mga makabagong teknolohiya
Mapagpatawad pa ang karagatan ng buhay noon: kalmado lamang itong tumutugon sa mabagal nating paglangoy. Ngunit ngayon, tila natuto na ang dagat na makipag-unahan sa mga kamay ng orasan at ipagkibit-balikat ang mga maaaring nakararamdam na ng pulikat. Kakabit ng lahat ng naging pagbabago, nariyan pa rin sina lolo’t lolang sinisikap makasabay sa mabilis na […]
Perpetwal na taib: Naratibo ng pangarap at pagsisikap ng isang babaeng tenured
Saksi ang karagatan sa pagkakaiba ng mga kuwento ng pag-usbong ng mga taong tinatawag nating ‘maganda’ at ‘malakas’. Matatagpuan dito ang iba’t ibang kuwento ng pag-ahon: mas mababagsik na alon, nanununog na araw, malalakas na hangin, at mas malalim na tubig ang kailangang suungin ng mga ‘maganda’ upang mabigyan sila ng oportunidad na kinalaunang magbibigay-daan […]
Nalunod sa murang edad: Kuwento ng pagkabitag at paglaya ng mga biktima ng grooming
Mapayapang asul na kalangitan at kalmadong tunog ng mga alon—iyan ang tanawing makikita sa karagatang nagbibigay ng kapanatagan sa isa. Matatagpuan na lamang ang sariling nagtatampisaw sa ragasa ng tubig sa dalampasigan nang walang inaalalang panganib. Hindi alintana ang unti-unting pagsuong sa agos ng karagatan, ngunit sa isang iglap tila hindi na maabot ang buhanging […]
Pagsisid sa edukasyon ng mga batang may exceptionalities: Kalagayan ng SPED sa gitna ng pandemya
Umaagos. Bumabagal, unti-unting humihinto. Sa iisang direksyon ng paggalaw, may malinaw na hangaring sama-samang maglakbay. Lulan ng isang daluyang natitibag, bigla-biglang nahihiwalay mula sa direksyong binubuo ng agos ng tubig na sumisimbolo sa mga batang mag-aaral na nangangailangan ng espesyal na kalinga mula sa mga bagay na naging dahilan ng pag-agos nito. Kahanga-hanga—ganito mailalarawan ang […]