Nakaw na oras: Pagsagot sa katanungang “Paano kung hindi naganap ang Martial Law?”

Nakaw na oras: Pagsagot sa katanungang “Paano kung hindi naganap ang Martial Law?”

Isang importanteng marka sa kasaysayan ang selebrasyon ng People Power. Isa itong gunitang nagpapaalala sa simbuyong taglay ng mga Pilipino upang magsama-sama para ipaglaban ang bayan mula sa katiwalian at inhustisya. Isa rin itong simbolo para sa demokrasyang tinatamasa ng bansa—demokrasyang binawi mula sa gapos ng isang militarismong diktaturyang kumitil sa buhay ng libo-libong Pilipino […]
Cosmos: Pag-abot ng mga Lumad sa nabukod na bituin, pagpupunyagi para sa mga karapatan at mithiin

Cosmos: Pag-abot ng mga Lumad sa nabukod na bituin, pagpupunyagi para sa mga karapatan at mithiin

Para sa iba, isang normal na bahagi lamang ng buhay ang edukasyon. Pagsapit ng edad na tatlong taon, sisimulan na ang pagpasok sa paaralan—mag-aaral magbilang, magbasa, sumulat, kumulay, at iba pa. Pagkatapos ng isang araw ng klase, uuwi na sa bahay, ikukuwento ang mga natutuhan sa mga magulang na naghihintay, at laging may pangakong kinabukasan […]
Pagwawakas ng biyahe: Patuloy na paglalakbay tungo sa papawirin

Pagwawakas ng biyahe: Patuloy na paglalakbay tungo sa papawirin

Sinusubok ng kasalukuyang panahon ang paglalakbay ng mga estudyanteng patuloy na lumilipad patungo sa kanilang inaasam na tagumpay. Sa kabila ng pagharap sa malakas na puwersa ng hangin, magsisilbing gabay at lakas ang kanilang mga pakpak upang manaig sa alinmang takot at pagdududang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbagsak. Binuo at hinubog sila ng iba’t […]
Arte at Literatura: Sining ng Pagbabago para sa masa

Arte at Literatura: Sining ng Pagbabago para sa masa

Sa pagyapos natin sa maunlad na kinabukasan para sa bayan at bansa, tila balakid ang mga kasinungalingang nag-aanyong katotohanan. Bilang hakbang sa pagpuksa ng mga ito, naging katuwang ang sining sa pagpapayabong at pagmulat ng kaisipan ng mga Pilipino. Subalit, hindi nakararating ang lahat ng mensahe sa dapat makatanggap nito o kaya hindi natatanggap ang […]
Drag Den IV: Kahali-halinang pagtatanghal nilang sumusulong para sa kalayaan

Drag Den IV: Kahali-halinang pagtatanghal nilang sumusulong para sa kalayaan

Sa bawat pahid ng kumikinang na kolorete, pagsuot ng makulay na peluka, at paghahanda sa pagtanghal mas nakararamdam ng tibay ng loob tungo sa pakikipaglaban sa karapatan at kinabukasang makulay. Sa panandaliang pagbabagong-anyo, umaasang lalong mas lalakas ang tinig at mas mapapansin ang tindig. Bukod sa lulan ng entablado ang iba’t ibang mukha ng saya […]