48th Gawad Urian Awards: Mga pelikulang Pilipinong ikinintal sa ginto
Bago tuluyang maituring na ginintuan ang isang bagay, may ilang hakbang na kailangan munang suungin. Para sa isang platero, bahagi ng naturang proseso ang pagkiskis ng ginto sa isang buhay na bato upang matukoy ang wagas nitong halaga. Urian ang pangalan ng buhay na batong humahasa sa mineral—hinuhubog ang kislap, nilalantad ang kagintuan. Kaya para […]
Gusto Kita with All My Hypothalamus: Hiwagang dala ng pag-ibig
“I love you with all my heart.” Tanyag ang puso bilang simbolo ng pag-ibig, ngunit malayo sa dibdib ang tunay na nangangasiwa sa puwersa ng damdaming ito. Sa katotohanan, sa utak dumadaloy ang mga damdaming inaakalang gawa ng puso tulad ng kilig, saya, at pananabik na makasama ang minamahal. Paglilinaw ng mga eksperto, mas mainam […]
Huling ukit ng buhay
Bagaman walang tinig, may ibinubulong ang bawat pangalang nakaukit sa marmol. Tahimik nitong isinasalaysay ang bigat ng pamamaalam sa mga natapos na kuwento. Habang umuusad ang panahon sa ibabaw ng lupa, naiiwan ang mga lapida bilang gabay sa mga nangungulila. Sa harap ng huling hantungan, sumasagisag ang lapida bilang paalala sa buhay na minsang lumipas. […]
Hanggang sa dulo ng walang hanggan: Kuwento ng pagmamahalan at pangungulila
Sa harap ng altar, mayroong dalawang nagmamahalang nangako ng pagsasamang walang hanggan. Biglaan man o dahan-dahan, dumarating ang wakas kahit sa mga kamay na dating ayaw maghiwalay. Maikli man o mahaba ang samahan, nakadudurog ng puso ang pagkawala ng isang katuwang. Walang katumbas ang lungkot sa tuwing makikita ang bakanteng kama at hapagkainang dating pinagsasaluhan. […]
Sa ilang salita mo lamang, gagaling na ako
Isang kakila-kilabot na panaghoy ang gumambala sa mapayapang purok. Sa kaibuturan ng lungsod, nakatayo ang isang tahanan sa masukal na lupaing dumadagdag sa misteryong bumabalot dito. Umalingawngaw ang boses ng isang dalagita mula sa loob, ngunit hindi nito natatakpan ang mga bulungan sa paligid na may bakas ng pangamba. Sa pagpasok sa nasabing tahanan, bumungad […]













