Tinig ng Kabataan: Pangambang bitbit ng bagong administrasyon
Makabuluhan sa bawat estudyante ang pag-akyat sa isang entablado. Sa entabladong gawa sa kahoy umaakyat ang mga estudyante sa tuwing sinasabitan sila ng medalya at binibigyang-parangal sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral. Dito rin madalas na pinaparangalan ang mga mag-aaral na nagtagumpay sa iba’t ibang larangan, katulad ng isports at pamamahayag. Umaakyat at nagsasalita rin dito […]
Beatkill 2022: Pagpapayabong sa makabagong kultura ng Street Dancing
Sa dagitab ng bawat padyak ng mga paa, kembot ng hinubog na balakang, at hindi magkamayaw na mga katawan—masisilayan ang kahusayan ng mga mananayaw sa kanilang obra. Mistulang kuryente ang indayog ng mga magkatunggaling mananayaw, biglaan itong dadaloy sa kaibuturan ng iyong katawan upang mahikayat kang tumayo at sumayaw sa loob ng iyong tahanan. Sa […]
Biyahe sa Pulo: Pag-indak sa saliw ng mayamang buhay at kultura ng Pilipinas
7,640—ito ang bilang ng mga pulong kasalukuyang bumubuo sa bansang Pilipinas. Sabay sa simoy ng hangin at alon ng katubigan ang pagragasa ng kultura—mula sa mga himig at kuwentong ipinapasa nang pasalita, hanggang sa mga sayaw at pistang patuloy pa ring isinasayaw at ipinagdiriwang sa kasalukuyan. Bagamat kapansin-pansin ang yamang taglay ng ating kolektibong kalinangan, […]
Retablo: Salamin ng mga mukha ng lipunan
Nakaluhod, nakayuko, at magkadikit ang dalawang kamay. Saan pa nga ba lalapit ang isang kaluluwang nasa pinakasukdulan ng langit at lupa kundi sa piling ng Maykapal na kayang gawing posible ang imposible? Kaya naman hindi nakapagtataka na sa bahay ng Diyos, mga buhay ng banal at maharlika ang sinasamba at tinitingala. Subalit sa labas ng […]
Teka Lang Wait: Pagkaipit sa masikip na espasyo ng buhay
Mapanlinlang ang mundong ating ginagalawan. Noong hindi pa tayo namulat sa realidad, tila laro lamang ang lahat; laro lamang ang mga problemang pinagdadaanan na sa bandang huli, mapagtatagumpayan din naman. Ngunit, hindi sa lahat ng panahon, ganito ang inuukit ng tadhana. Sabay-sabay nating tuklasin ang hamon ng pagkabuhay sa Teka Lang Wait: Katok Ka Muna, […]