Estudyante sa muling banta ng krusada sa kalsada
Pinagsamang pagod at puyat mula sa mga pang-akademikong gawain at pagbiyahe papunta’t pauwi ng eskuwelahan ang kalbaryong kinahaharap ng mga estudyanteng gumagamit ng pampublikong transportasyon. Mistulang isang ekspedisyon at sagupaan ang araw-araw na larga dahil tanaw rito ang maiitim na usok at hanging nagdadala ng maruruming alikabok na direktang sasampal sa mga mukha’t kakapit sa […]
Hubad na katotohanan: Pagsisid sa mundo ng isang porn translator
Hagikgik at halakhak ang madalas na binibitaw na reaksyon sa tuwing dumadako ang usapan sa kalibugan at mga sensuwal na paksa. Tila hindi mapigilan ang pagbungingis sa tuwing nagbabaga na ang mga usapin—nangingilabot pa rin at nahihiya kapag binubuksan na ang paksang matagal nang bumubusal sa ating mga labi. Subalit sa tuwing nag-iinit na ang […]
Kahilwayan: Pagtanim ng panawagan at pag-ani ng kalayaan
Ika nga ng isang kasabihan—sa lupa nagmula ang buhay, at sa lupa rin magbabalik, subalit paano magsisimula ang lahat kung lupa mismo ang patuloy na ipinagkakait? Para sa isang magsasaka, lupa ang batayan kung may buhay pang naghihintay sa susunod na umaga. Kasabay ng pag-iral ng hangin, kailangan nila ang lupa sa bawat paghinga. Isa […]
Pagkitil sa patriyarka: Peminismo para sa sangkabaklaan
Isinisilang ang lahat sa isang masikip na kahon. Pinaniniwalaang umiiral ang mundo sa mga nakapirming gabay at panutong naaayon sa ekspektasyon ng lipunan sa tamang paraan ng pamumuhay. Kaya naman, kinakailangang limitado at kalkulado ang bawat kibot, hinga, at kilos na isasagawa. Subalit, mayroon din itong hangganan dahil hindi sapat ang kahon upang ikubli ang […]
The Baseball Player: Pangarap na ibinaon sa hukay
Pagtapak sa hekta-hektaryang lupain, masisilayan ang tahimik at maaliwalas na kalikasang hindi pa nababahiran ng kahit anomang bakas ng urbanisasyon. Marahil sa lantad nitong kariktan, hindi kadalasang maiisip na sa likod ng napakagandang kapaligiran, may masasalimuot na karanasang dulot ng hindi matapos-tapos na sigalot at sagupaan. Kaya hindi naiisip ng nakararaming may mga dugo nang […]