Baliktanaw: Paggunita sa himig ng tahanang minahal at kinalakhan
Nangungulilang marinig at makasamang muli ang mga kapwang minsang itinuring na kaagapay sa lakad ng kani-kaniyang mga buhay. Sumibol ang pagsasamang hindi inaasahan bunsod ng kanilang pagkahumaling sa larangan ng pag-awit. Gayunpaman, hindi maipagkakailang nagbunga ito ng pagkakaroon ng mga matalik na kaibigan, mga maaasahang kapanalig sa mga iniindang paghihirap, o isang pamilyang pakikinggan ka […]
Muling pagrampa ng mga biyas sa pasarelang inaabangan at kinasasabikan
Nakabibighaning masaksihang nagsama-sama sa iisang entablado ang mga nagpipitagang kandidatang handang ipamalas ang kanilang kompiyansang makapagpabago—tangan ang kanilang mga pinaiigting na adbokasiya. Nakakubli man ang pangangamba sa nakapanghahalinang mga ngiti at eleganteng tindig, pinangibabawan pa rin ito ng kanilang simbuyo ng dedikasyon at pagpupunyagi. Kawangis ng kanilang marilag na tikas, nilalayon din nilang ipadama at […]
Shot puno: Pagbawi sa ninakaw na alaala at kasiyahan
Uhaw sa kasiyahan ang mga kabataang dating lango sa aliw. Bunga ito ng mga ipinagkait na sandali ng nakaraang dalawang taong mistulang tumigil ang mundo. Binalot ng katahimikan ang paligid ng mga dating umiindak sa saliw ng nakabibinging tugtuging pilit itinikom ng COVID-19. Pawang liwanag ang natatanaw ng mga dating mulat sa madidilim na gimikan […]
Pagningning ng napupunding pangarap: Muling pagtatagpo ng idolo at panatiko sa konsiyerto
Matutulog nang kabado at gigising na aligaga—mistulang hindi mapakali ang puso’t diwang nananabik para sa parating na okasyon. Habang nilalakbay ang daan patungo sa bulwagan, hindi na mabilang ang paulit-ulit na pagbusisi sa mga kailangang dalhin—tiket, powerbank, selpon, at pamasahe pauwi. Pagdating sa lugar ng pagtatanghalan, bubungad sa bawat sentido ang pagdagsa ng mga kapwa […]
SINGKWENTA: Pag-alala sa sigalot ng kahapon at implikasyon sa hinaharap
“Mayaman ang Pilipinas, ngunit hindi ang sambayanan.” Mahigit labing-apat na taong inabuso nang walang kalaban-laban ni Ferdinand Marcos ang Pilipinas sa kaniyang deklarasyon ng Batas Militar. Walang tigil na pagmamalupit, pagpatay, at pagkulong ang naranasan ng mga Pilipino na nagnanais lamang ng pagbabago. Ninakawan ng rehimeng Marcos ang taumbayan; nilustay ang kanilang salapi para sa […]